Finding Identity

15 0 0
                                    

(This story is inspired by one of The adventures of Sherlock Holmes by Sir Arthur Conan Doyle.)

Badtrip akong umuwi nang hindi ko mabayaran lahat ng bibilhin ko sa grocery. Humanda talaga sa'kin ang lalaking yun pag-uwi ko. I'm certain na pinambili na naman niya yun ng art materials niya. Di lang kutos ang gagawin ko sa kanya kapag nadatnan kong nagpipaint na naman siya.

Paakyat ako sa kwarto namin at nakita ko na nakabukas ng bahagya ang pintuan ng aming kwarto. Nagulat ako ng makasalubong ang isang babae na nakakunot ang noo. Dali-dali siyang umalis na mukhang bigo. May bitbit siyang bag pack na parang galing sa eskwelahan.

 Ano naman ginawa ng lalaking 'yon? Every time nalang. Urgh!

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig habang binububuksan ang mga takip ng paint na sa tingin ko ay bagong bili. Walang ingat niya itong binuksan na parang batang sabik na magbukas ng kanyang regalo. Sinalubong ko siya ng may malakas na batok. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at dahan-dahan niya akong tiningnan ng masama. Wala siyang ibinuka ni isang salita para magreklamo maliban sa pagtitig niya sa akin ng masama.

"Alam mo ba? Sa katagalan kong nakatayo sa mahabang pila hindi ko alam na wala yung wallet ko sa bag? Nalaman ko lang nung babayad na ako sa counter and I knew that you pick pocketed me AGAIN. Nasayang lang yung effort at time ko sa kakapila. Alam mo yun?" inis kong sabi. He, then, continued what he was doing. "Look. I've been living with you as your roommate, okay? Respect please. Hindi ka ba nahihiya na marami ka ng utang sa akin? "

He chuckled. " Don't you remeber? You told me before that you're my friend and you mentioned that I should treat you like my friend. Here friend take my debit card. Pasensya na kung kinuha ko ulit yung wallet mo. Hindi ko kasi alam na ngayong araw darating ang parcel ko. " May kinuha siyang card sa ilalim ng cushion ng kanyang single couch at inabot ito sa akin.

"Well, thank you." I said. "Wait! Matagal mo na bang tinatago itong debit card mo sa couch?" I commented.

He nodded. "Yeah. My wallet." Sabay pagpag niya sa upuan.

"Your wallet?" I reiterated.

"You know, Gwen? Kung gusto mong magtago ng mga bagay dapat sa lugar kung saan hindi usually pinagtataguan. Mga taguan na mayroong mababang probability."

"B-but how? Wala ka bang personal wallet?" tanong ko.

"Akin that. You don't even realize that this couch of mine is my wallet and you are not aware that my debit card was hidden here. " He explained.

Our conversation was interrupted when we heard our landlady talking someone downstairs.

"Prepare a chair. A lady in her mid 20's will enter our room. Nakasuot siya ng uhmm, something light cloth blue pastel color long sleeve dress na hanggang tuhod and red stilettos toe shoes." Pagtukoy ng aking roommate sa taong tutuloy sa aming kwarto.

Ayan na naman siya sa kanyang predictions. Kahit hindi niya pa nakikita yung tao eh nararamdaman niya na kung ano at sino siya. Pwede na siyang maging manghuhula.

Agad ko namang hinanda ang upuan na inuupuan ng mga kliyente namin para sa special detective mission. Actually, naisabit lang ako dito eh dinamay kasi ako nitong lalaking to nung nalaman niya na ako ang magiging roommate niya. Kung tutuusin ordinaryong tao lang kung titingnan mo sa panlabas si Ordeal. Masasabi mo talagang mahangin at bastos kung magsalita. Ngunit, kung makakasama mo siya at makikilala ang totoong pagkatao niya magtataka ka nalang kung anong klaseng tao ang kaharap mo.

Nang makapasok ang babae ay pinaupo namin siya sa gitna. Tulad ng sinabi ni Ordeal nakasuot ito ng light cloth blue pastel color long sleeve dress hanggang tuhod at stilettos toe shoes na red. May mahabang kulot naman siyang buhok at may red purse siyang dala na nakasabit sa kanyang balikat na sa tingin ko ay branded. May suot itong itim na shades. Nakaupo naman ako sa armchair ng sofa at umupo naman si Ordeal sa kanyang paboritong couch slash wallet niya.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon