Bakit lahat ng crush ko in a RELATIONSHIP?!

25 3 0
                                    


Lahat naman tayo ay nagkaka-crush sa isang tao. Baka hindi pa nga isa eh. Baka plus 99 others pa. Normal lang naman yun. Sabi nga nila  'crush is just paghanga'.

Hindi ko na alam kung ano pang magiging reaksyon kapag   nalaman ko naman na in a RELATIONSHIP ang crush ko. Nakakapagod na rin magkagusto sa taong hindi naman talaga para sa'yo. Lalo na iba ang gusto.

Paano kung sobrang nahulog ka na? Paano kung hindi na pala crush ang nararamdaman mo? Paano kung nahulog na ang loob mo sa kanya? Ano kung mahal mo na talaga siya?

Hinihintay kong mapuno ang bucket ng tubig dito sa CR ng coffee shop na pinagtatrabauhan ko. Nagtatrabaho ako rito bilang part-time student.

Kinuha ko sa likod ng bulsa ng pants ko ang cellphone ko. Nag-scroll muna ako sa Newsfeed ng FB ko. 

Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang pangalan ng first crush ko, si Cedric. 

Sino ba si Cedric?

 Si Cedric? Talented lang naman siya, sporty, matalino at higit sa lahat ang lakas ng charisma. Nagustuhan ko siya nung nahihirapan akong sumagot ng math problem nung High school.

Hindi ko nga alam kung bakit, pero, dahil sa mga nasabi kong characteristics niya nagustuhan ko siya. Kung nahihirapan ako sa mga bagay na tulad sa pagsagot ng mga assignments namin parati siyang nagpipresentang tumulong. Feeling ko nga meant to be na kami.

Ngunit, isang araw. Nag-uusap kami ng pinsan ko tungkol sa crush ko na dalawa lang kami ang nakakaalam. Nakita namin si Cedric na may dala-dalang flowers at marshmallow na tatlo. Napakablooming niyang pumasok sa classroom.

" Couz, kinikilig ako. Sabi ko sa'yo may gusto sa akin si Cedric. Manliligaw na ata siya." kinikilig na bulong ko sa pinsan kong si Quin.

"Hala... Couz, diba sabi ni tita bawal kapa magkaboyfriend? " paalala niya.

"Shh. Tumahimik ka. Edi secret relationship. Uso naman yun ngayon diba? Hindi naman ako magloloko sa pag-aaral noh."

"Basta pakipot ka muna. Kunwari dalagang pinay ka muna."

Papalapit na siya sa kinaroroonan namin nang magsalita siya.

"Umm. Excuse me, Pauline." favor niya sa akin na tumabi sa dadaanan.

"E-e-excuse me?" Kunot noo kong sabi.

Ngumiti siya sa akin. Nag-aalanganin siya pumagilid, pero dumiretso siya at nilampasan ako. Nilapitan niya ang president ng klase namin na nakangiting nakatayo habang kinikilig.

"Happy Anniversary, babe." Sabay abot nang dalang marshmallow at flowers. "I love you."

Napasinghal ako. "Whooot? P-para sa kanya pala yun?" sabi ko kay Quin.

"Ngee! Assumera ka na, couz." sabi niya

"I love you too, babe." sabi ni Cedric sa aming president sa klase.

Nagsitilian naman ang mga kaklase ko na kanina ay  hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Agad akong lumapit sa kanila. "Anniversary?!" hindi makapaniwalang tanong ko at pareho ko silang tinignan.

At doon nagtapos ang pagkagusto ko sa first crush ko. Sikreto pala silang nagdi-date ng president ng classroom namin without the knowledge of everyone. At 1 year na pala sila noon nang nalaman ko, namin pala na sila na.

Kaya, nagreact-heart ako sa profile niya na girlfriend niya ang nasa picture.

True yan ha. Hindi plastic. Mabuti nalang hindi pa lumalim ang pagkagusto ko sa kanya at nalaman ko ng maaga, kung hindi... . Kung hindi, ako ang kawawa. 

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon