Our Psychopath Teacher

44 7 2
                                    

Nagkaroon ng magandang balita sa loob ng classroom ng ako ay pumasok.Binigyan niya ng libreng meryenda ang buong klase at mamahalin pa.

'Saan niya naman ito nabili?'tanong sa isipan ko.

Nasa harap ko na ang naka pack lunch na meryenda na binigay niya. Binuksan ko ito ngunit wala pa akong gana at pakiramdam ko ay busog na busog pa ako. Baliktad ba utak niya?

Kung kailan busog na kaming lahat tsaka niya kami bibigyan ng pagkain. Alam niya na ngang kakatapos lang ng recess.Okay lang sana kung appetizer ito pero hindi.

Isinantabi ko muna ito at umidlip na lamang.Dibale wala naman akong paki sa subject niya.tss.

"Sir Victus!Himala po at nanlibre kayo ng ganitong kaexpensive na pagkain pero salamat po dito!",pasasalamat ng isa kong kaklase sa teacher namin.

Kaya nga naman,Tssk.Mga kaklase ko naman basta expensive na pagkain kahit busog na sila pipilitin talaga nilang kumain.Hindi ba sila nag-aalala na baka magkakasabay-sabay silang tawagin ng kalikasan?Isa pa barado pa ang bowl sa CR.

"You're welcome. Ubusin niyong lahat 'yan,maliwanag ba?"utos niya naman."Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, Rhean? "tanong niya sa akin.

Inangat ko ang ulo ko para kausapin siya."No space ,bakit may paglalagyan pa ba?"sarkastikong sabi ko sa kanya at sumeryoso naman ang mukha niya.

Bumuntong hininga siya. "Wala ka talagang magandang-asal na ipinapakita Rhean Galvez ang paborito kong estudyante." sabi niya. "Hindi mo kakainin ang binigay ko?"tanong niya.

"Pasensya PO. Hindi lahat ng binibigay ay kusa o may magandang dulot. Ang iba ay tira, pilit o may balak. Marahil, may dahilan ka kung bakit mo kami binibigyan ng pagkain."sabat ko.

Kinuha ko ang pagkain na binigay niya ngunit natigilan ako sa nakita ko kaya inilapit ko ang aking ilong rito at hindi ako nagkakamali isang lason ito. Tama nga ang hinala ko.

"TEKA!"sigaw ko kaya silang lahat na nasa classroom ay nabigla. Napatigil sila sa pagkain at napunta sa akin ang kanilang buong atensyon.

Nakita ko kasi sa pagkain na binigay niya ang tila manipis na usok at unti-unting tinutunaw ang pagkain na hindi agad mapapansin ng makakain. Kung ilalapit mo naman ang iyong ilong dito ay maaamoy mo ang tila Chemical na hindi dapat inihahalo sa pagkain ang sodium cyanide at hydrochloric acid.

Ngunit, nabaling ang tingin nila kasama na ako nang isa sa mga kaklase ko ay naubo. Hinaplos sa likuran naman siya ng kanyang katabi ngunit maging siya ay naubo.

"Aaaahhh!"sigaw ng isa. Hinawakan niya ang kanyang leeg. Hindi niya namalayang sumusuka na siya sa kanyang sariling dugo. Ang mata niya ay namumula at lumalaki hanggang sa sumabog ito. Maging ang isa ay ganun din ang nangyari. Laking gulat at halong takot ang naramdaman ng buong klase.

Tumayo ako. "Huwag niyong kainin 'yan ,may lason!"huling pagpapaalala ko. It's too late may nasawi na. I glared at him.

Hindi ko napansin na siya at ako na lamang pala ang natitirang humihinga dahil lahat ng kaklase ko ay wala ng malay at puro dugo na lamang ang nakikita sa sahig at sa kanilang mesa.

Naokupado ng katahimikan ang silid ng bigla siyang tumawa na parang demonyo habang nakapandekwatro ang paa niyang nakapatong sa mesa.

"Bakit mo ito nagagawa? A KILLER. " pagdidiin ko.

Tumayo siya at may binunot na baril na may dalawang lason na injection at itinutok niya ito sa akin."Ginamit ko ang pagiging Science teacher dahil gusto kong mag-experiment ng isang rare poison and it looks like I made it!HAHAHA!"ayan na naman ang demonyo niyang tawa.

"Baliw na ang g*g*" bulong ko.Tiningnan ko siya ng masama.

He has more power to the authority of this school kaya nung time na isinumbong ko ang nalaman ko sa kanila hindi sila naniniwala. Lahat ng sinabi ko ay parang walang kabuluhan. Naweirduhan din sila sa sinabi ko.

Sino ba naman kasi ang maniniwala sa isang ordinaryong estudyante lang na pinagkamalang isang Psychopath ang teacher namin na 'pinakamabait' sa buong campus?

Paborito kong makinig sa klase niya DATI. Ngunit nabago 'yun ng nalaman ko ang napakabaho niyang sekreto. Isa siyang con-artist slash Psychopath. He usually using students as his Guinea pig para itest ang kanyang mga eksperimentong lason tulad ng nangyari ngayon. He's hiding himself under the garb of a teacher to perform his experiment.

"Mukhang may nakakaalam na ng eksperemento ko?tsk.tsk."naglabas siya ng mabigat na buntong hininga sa pagkadismaya habang linilinisan ang baril na hawak niya gamit ang kamay."Hindi bale madali ka lang namang patayin."tinutok niya muli sa akin ang baril.

Napangiwi ako.Itinapon ko sa mukha niya ang packlunch na hawak ko at hinawakan ang wrist niya binali ko ito upang mabitawan at mahulog ang baril sa sahig.

"Arrgh!"reklamo niya sa sakit.

Susuntukin niya na sana ako ngunit naunahan ko siya sa pag-ilag sa kanyang kamao . Sinipa ko siya sa ulo kaya nasubsob ang mukha niya sa sahig.Kukunin ko na sana ang baril ng maramdaman ko na may nakatusok saking braso,isang karayom!Dahilan para ako ay manghina.

"Tama ka nga,isa yang karayom na may iba't ibang chemical na nakakamatay.Actually, 'yan sana ang ihahalo ko sa pagkain niyo eh kaso nakonsensiya ako."sabat niya.

May ano talaga siya ano?May konsensiya pa siya sa nangyari? Hinawakan niya ang manggas ng uniporme ko at sinampal ng malakas ang mukha ko. Kaya, ang mukha ko naman ang nasubsob sa sahig.

Nanlalabo na ang paningin ko nang makita ko ang baril niya na may lason. Iniabot ko ito ng aking makakaya.Kinuha ko ito ng palihim habang nagsasalita siya ng mga paalam na walang kwenta sa akin.

Itinutok ko ang baril sa kanya at ipinutok ng dalawang beses.Lumabas naman ang nilagay niyang dalawang injection na may lason at tumama sa kanyang noo at dibdib dahilan na siya ay mabigla. Dahan-dahan siyang nanghina.

"You're such a Psychopath teacher!" sabi ko.

"Mamamatay ka!"sabi niya ng hinang-hina.

Napangiwi naman ako."Literal sir,naturukan na ako ng lason eh,--"pilosopo kong sabi at bigla akong naubo ng dugo.Naramdaman ko na parang maghihiwalay ang aking katawan at tila nasusunog ang loob ko. Unti-unti akong nawalan ng malay hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.---

~END~

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon