He's a Girl?!

35 6 1
                                    


"Ate, ang tagal naman ng kaibigan mo. Limang minuto na ako naghihintay dito." Reklamo ko kay Ate.

"Ang arte mo! Malapit na siya. Nagtext siya sa akin."sabi niya sa kabilang linya.

Inutusan ako ni ate na ibigay ang inorder sa kanya ng kaibigan niya. Hindi niya ito maipadala ng personal dahil dumating yung "kanya" at sumasakit daw puson niya. Hindi kasi alam ng kaibigan niya ang bahay namin.

Sayang yung limang minuto sa panonood ko ng kdrama eh. Napilitan nalang ako, na ako nalang ang magbibigay nitong inorder. Kung magrereklamo pa ako rarason na naman siyang saan ko raw kinukuha ang kinakain ko sa araw-araw?

Naglaro nalang ako ng mga Games sa shopee baka magkapera pa ako.

Napansin ko na may pumarada ng motor sa harapan ko. Siguro, siya na yung kaibigan ni ate kaya binulsa ko muna yung Phone ko.

"Ikaw ba ang kapatid ni Joy?" tanong niya sa akin.

Tumango nalang ako. Tinanggal niya ang suot niyang helmet.

Nagulat ako sa itsura niya. His eyes, nose and lips are so damn beautiful. Lumitaw ang killer smile niya. Ang charming niya. Na love at first sight na ata ako.

Ibinigay ko na sa kanya ang kanyang inorder. Nauna siyang umalis habang ako ay hinihintay pang magsink in ang mga pangyayari sa utak ko. Nagloloading pa eh.

Kinabukasan, pumunta ako sa isang fast food. Narinig ko kasi si ate na kausap yung kaibigan niya na pupunta siya rito kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi siya makakapunta kasi nga masakit parin yung puson niya.

Inayos ko ang sarili ko para magmukhang presentable sa harap niya kung makita niya man ako. Naalala ko ang itsura ko kahapon para akong bata sa suot ko. Ngayon, sa tingin ko akma na ang suot ko sa aking edad.

Nakaupo ako at nakita ko yung kaibigan ni ate na si Han, yun pala ang pangalan niya. Tila siya ay dadaan sa kinaroroonan ko.

"Kuya Han!" Honey? Charot.

"Uy! Kapatid ni Joy!"

"We meet again. Kakain din po ba kayo dito?"

"Oo."sagot niya." Ito pala si Venz. " pagpapakilala niya sa kaniyang kasama. "Mag-isa ka lang ba?"

Tumango ako.

"Sabay ka na sa amin." pag-aaya niya.

Sumabay na nga ako. Tatanggi pa ba ako?

Sa sumunod naman na araw nakita ni Teri, best friend ko, ang nasa Wallpaper ng Phone ko.

Inagaw niya sa akin ang cellphone na hawak ko. "Uy! Sino yan, dear? Bakit hindi na si Jae wook ang Wallpaper mo? Bago mo?" tanong niya.

"Si Han." sabi ko.

Inistalk ko kasi siya after niya akong iconfirm. Hindi siya gaano nagpopost ng picture maliban sa profile picture niyang stolen habang nakaside view. Ang tangos ng ilong.

"Ang charming niya. Pakilala mo naman ako sa kanya." sabi ni Teri.

Inagaw ko ang cellphone ko sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "NO WAY! Akin na siya. Sa kaibigan ka niya nalang." I chuckled.

"Bakit kayo na ba?"

Hindi ko nalang siya pinansin at naglaro nalang sa shopee. Baka manalo pa ako ng 500K. Aagawin niya pa yung para sa akin, eh yun na ata ang sagot sa aking pagkasawi sa pag-ibig.

Buti nalang wala kaming pasok ngayon. Manonood nalang ako ng kdrama . Nasa gitna ako ng panonood nang bigla akong nakaramdam ng gutom.

Bumili muna ako sa malapit na Karenderya sa amin. Ang sarap kasi ng toccino, kaya naubos lahat ng ulam na sana para sa pananghalian namin.

Pauwi na ako galing sa karenderya nang makasalubong si Han.

"Kuya Han!" lumapit ako sa kanya.

"Kapatid ni Joy!" tawag niya.

Hindi niya ba talaga ako tatawagin sa pangalan ko? Hindi niya pa ba alam? Eh, friends naman na kami sa Facebook.

"Nagkita na naman tayo. Meant to be talaga tayo." pabulong kong sabi sa huling pangungusap.

Kumunot ang kaniyang noo. "Huh? May sinabi ka? " tanong niya. "Btw, san pun-" naputol ang kanyang sasabihin.

"Hannah!" sigaw ng isang babae mula sa likod niya. Lumingon si Han sa kanya.

Hannah? Han? Teka diba babaeng pangalan yun? Eh, bakit hindi ba pwede sa lalaki ang Hannah na pangalan?

"Huwag mo ngang kalimutan na babae ka pa rin. Natagusan ka GG ka." sabi ng babae at tinakpan niya ng jacket ang white pants ni Han na si Hannah.

Namula naman sa pagkahiya si Han.

Nagulat ako sa mga nakita at narinig.

"Pupunta ka ba sa Museum? Sabay na tayo. Tara na." sabi ng babae.

Bago pa man sila makaalis hinawakan ko sa braso si Han.

He's a girl? Babae siya?!

"S-sabihin mo nga sa akin na hindi ka babae." utos ko kay Han upang kompirmahin kung ano ang aking narinig.

" Anong pinagsasabi mo?" nagtataka nitong tanong.

Sinampal ko siya sa mukha. Nagulat ang kasama niyang babae. Maging ako ay nagulat din sa aking ginawa.

"L-lalaki ka diba? Sabihin mo sa akin. Lalaki ka." Pagdidiin ko.

Nakakunot ang noo niya at tila naguguluhan sa kung anong pinagsasabi ko. "S-sorry, pero babae ako." Sabat niya.

Hindi ko alam ngunit pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumakbo ako.

"Llana!" Unang tawag niya sa pangalan ko.

Hindi ako lumingon at patuloy lang sa pagtakbo habang dala-dala ang ulam na pinamili ko sa karenderya.

After all, pinaniwala ko ang aking sarili na lalaki siya. I already assumed na siya na ang itinadhana sa akin. Masakit lang dahil umasa ako.

Suddenly, I realized looks can be deceiving. Dahil dito I had my trust issues lalo na sa mga taong gugustuhin ko.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon