Last Note

17 1 0
                                    

" Urggh!Nakakainis yung paheart sign niya. Ayaw ko talaga sa kanya. 'Kala mo naman bagay eh." Buwelta ni Demi na nakapandekwatrong upo sa sofa habang nakahawak ng isang baso ng juice ang kanyang kaliwang kamay. Nakatalikod siya sa akin.

Nanonood kasi siya ng isang variety show kung saan nag-piperform ang mga group idols na nagdebut noong nakaraang dalawang taon. Ako naman ay busy na finafinalize ang thesis sa mesa dito sa aming dirty kitchen. Magkatabi lang kasi ang sala at kusina namin kaya nakikita ko rin ang pinapanood niya.

"So?" Sabat ko naman. Tinapunan ko siya ng tingin at agad na bumalik sa pagtatype sa aking laptop.

"Bakit? Totoo naman ha! Ate?" Humarap siya sa direksyon ko.

I paused typing at tiningnan siya. " Wala naman siyang pakialam kung ayaw mo sa kanya. Hindi ka rin naman niya gusto. Para sa'yo pangit, pero para sa kanya ay opportunity yun. Opportunity dahil doon natutulungan niya ang sarili niyang mabili ang kinakailangan niya para mabuhay. Dahil doon nagkakasuweldo siya para matulungan ang pamilya niya. Eh ikaw? Anong ginagawa mo? Nagpapalaki lang ng bilbil habang nanonood sa kanya na naghahanap buhay. Kahit anong kritisismo ang gawin mo wala siyang pakialam sayo, dahil alam niyang walang mali sa ginagawa niya. Naintindihan mo?" dire-diretso kong sabat sa kaniya. "Kung baga ikaw yung isang epal na mantsa sa isang malinis na damit. " dugtong ko.

Napasinghal siya. "Ate naman! Are you not getting over him? It's been years .Specifically, five years! Why wouldn't you move on for good? For yourself. Do you think he still cares for you? I think nakalimutan ka na nga niya eh, dahil sa kasikatan niya. We'Ve never heard about him since sumikat siya. Kahit text man lang or any regards."

"Busy lang yun. Kita mo naman diba?" Turo ko sa TV.

" Tsk. Ayan ang problema sayo ate eh you're being patient and considerate. Huwag ka nang umasa ikaw rin ang masasaktan niyan sa huli."Pagkatapos niyang sabihin yun ay humarap siya muli sa pinapanood. "Stop fooling yourself, Thea, na may halaga ka pa sa kanya. People change and change is constant." Pahabol niya.

Umiling nalang ako and I just ignored her. Natapos ko na rin i-revised lahat ng chapters ng thesis  ko, kaya iniligpit ko na ang mga gamit sa mesa. Ilang buwan nalang gagraduate na ako. I'm expecting na makakaattend siya. Magkikita na tayong muli, Peter.

Habang nakaharap sa laptop kinuha ko ang nakadikit na purple sticky note na nasa gilid ng screen kung saan nakasulat ang note na nabunot ko sa garapon na ibinigay niya sa akin bago siya lumuwas pa-Manila. May mga numbers ito pero I randomly picked it.

110

"Whether you aced or failed, you can still treat yourself. Go shopping, eat or play, because you still did everything you could to survive from the battle."

Since we are in elementary we've been close friends. Our relationship is greater like a family. Sa tuwing nagbibreakdown ako he always giving me notes to motivate me . Pumunta siya ng Manila para sumalang sa isang contest na pinapangarap niyan salihan. Yun ay ang pagiging sikat na artista o makasali sa isang boy band.

Unang sali niya palang ay nakuha na siya agad. Nung binalita niya na nakapasok siya sa isang audition bilang isang idol, halong saya at lungkot ang naramdaman ko.  Dapat masaya lang ako dahil pangarap niya ito simula nung mga bata pa kami, pero bakit parang iba ang nararamdaman ko? Siguro, dahil nasanay akong kasama siya araw-araw.

Before he left nagkita kami sa aming dating tagpuan. Sa likod ng bahay nila ay may tree house na pinagawa namin sa kanyang tito. I was surprised ng binigyan niya ako ng isang garapon na puno ng folded sticky notes.

Iniabot niya sa akin ang isang garapon na puno ng folded notes. 

"Ito." Sabi niya.

 Kinuha ko naman ito at inilagay sa lap ko. 

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon