Nasan ako? Ano tong lugar na to? Its dark and cold here, is this a cold version of hell?
May naaninag akong liwanag sa di kalayuan, Tumakbo ako ng tumakbo at nang makalapit ay bumungad sakin ang isang fountain—Fountain full of coins, maybe sameone is here somewhere?
"HEYYYYY! ANYBODY?" Sigaw ko nagbabakasakaling may makakarinig sakin.
Napapikit ako ng biglang lumiwanag ang buong kapaligiran at bumungad sa akin ang mga nilalang na nakaputi at may pakpak. An Angel? Napatingin ako sa gitna at hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa matinding liwanag ngunit nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Ikaw Anghela ay tinatanggal sa posisyon bilang isang kerubin ikaw ay tinatanggalan ng Karapatan maging isang tagapag alaga ng taga lupa, ayon sa kaitastaasan ikaw ay magiging mortal na tao lahat ng iyong memorya o alaala mula rito sa kalangitan ay iyong malilimutan simula ngayon hanggang sa ikaw ay maging mortal na tao dahil sa iyong maling pagmamahal sa isang makasalanan at hindi nararapat na iyong makasama "
Hindi ko man maintindihan ang bawat sinasabi ng nilalang na nakatayo sa gitna, na sa wari ko'y may pinakataas na posisyon sa kanilang lahat, dahil na rin sa koronang nakikita ko na nakapatong sa kanyang ulo. Tinignan ko muli ang nilalang na nasa kanyang harapan na ngayon ay nakayuko at hinang-hina.
Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ko na siya sa balikat ng may boses na nagsalita sa aking isipan." Ika'y aking hahanapin anuman ang mangyari, ika'y hahagilapin saang sulok man ng mundo, I'll come to you whatever it takes, If loving is a sin then I will be a sinner"
Napaupo ako dahil sa pagsakit ng aking ulo, pumikit ako saglit ngunit sa aking pagdilat ay nabalik ako sa may fountain kung saan ako unang napadpad kanina. Tumayo ako at muling nilibot ang buong lugar.
"Heeey! Wala bang tao?" muling sigaw ko. Ngunit napatigil ako sa pagsigaw ng may maramdaman ako sa may likod ko.
"Hey honey. I'm here, right behind you" isang malalim na boses ang nangaling sa likod ko, kaya napalingon ako at nakita ang isang lalaking may maamong mukha ngunit napaatras ako ng makita ang kanyang mga mata na tila nag-aapoy sa diko malamang dahilan. Matang punong-puno ng pagmamahal at pagsusumamo o guni-guni ko lang ang lahat?
"Sino ka?" Sa wakas at may salita ng lumabas sa bibig ko dahil hindi ko ata mabuka ang bibig ko kanina habang tinitigan siya. Nakakalito. Ang sinasabi ng isip ko ay layuan ko siya sapagkat hindi ko siya kilala ngunit iba naman ang pinapahiwatig ng puso ko.
"Tinatanong mo kung sino ako? Honey, can't you recognize me?" tanong muli niya habang lumalapit sa akin. Sa paghakbang niya palapit sa akin ay ang paghakbang ko naman paatras sa kanya. Aatras na sana ako uli ng sa isang iglap nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ang aking mukha at sa paglapat ng kanyang kamay ay ang pagbalik ng mga alaalang pilit ko ng kinakalimutan. Napatingin ako sa kanyang mga mata na puno ng pagmamahal at pagsusumamo, tila nasasaktan siya sa bawat ginagawa ko. Mga matang una kong naibigan sa kanya.
"You remembered me" malambing niyang sabi habang tinitignan ako sa mata. Isang butil ng luha ang tumulo sa aking mukha at pinalis niya naman iyon.
I want to say yes, but I can't. Hindi pwede.Ayoko...Bawal"Honey. Please. Please talk to me honey. I know you remember me now" pagmamaka awa niya.
Takot akong sagutin siya, dahil sa bawat pagkakataon, may pwede siyang gawin sakin. Natatakot ako.
Mali itong ginagawa ko... hindi ito pwede. I should've stop this.
"I want you to know that i will wait. I will wait for you no matter what" Sa lapit niya sa akin. Hindi ko mawari kung kaninong puso ang naririnig ko, dahil parehas naman ito ng sinisigaw. Tinignan ko ang kanyang mukha dahil alam kong pagkatapos nito ay hindi ko na siya maalala. Ito ang lalaking nagparamdam at nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. Lalaking hindi ko iisipin na magmamahal at mamahalin ko ng lubusan.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hindi ko alam kung anong gagawin. Pababayaan ko ba siya sa gusto niyang mangyari o pipigilan ko ang puso ko at isantabi ang sarili.
What on Earth am I doing? I suppose to be a simple Angel who guide people... Not an Angel who fell in love with this Demon.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED ROMANCE
FantasyWhat if peace turns into war? What if love turns into hate? What if love became forbidden? What will happen to that love, will it become a beautiful lie or a painful truth? This is a story of forbidden love between an angelic girl and a demon. Could...