LETITIA'S POV
Nandito na naman ako sa loob ng apat na sulok na silid. As usual, 'di na naman matahimik itong mga kaklase ko dahil walang teacher. Biglang nagkaroon ng meeting, kaya ito ako nakatunganga sa isang sulok.
Habang nakatingin sa may bintana, bigla na lang dumilim ang kalangitan, lumakas ang ihip ng hangin at unti-unting pumapatak ang malalaking ngunit mahinang patak ng ulan. Mukhang uulan pa, wala pa naman akong dalang payong.
Kahit sa ilang minutong biglaang pagbabago ng panahon, hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang itim na pakpak. Nadala ito ng hangin dito sa may bintana. At dahil puno ako ng curiosity sa katawan, kinuha ko ito at pinagmasdan. Naisip ko 'yong mga alagang manok ng kapit-bahay at katulad ito sa iilan kaya siguro galing 'to sa manok. HAHAHA. Pero paano naman mapapadpad iyon dito? Malalaking bahay naman ang malapit sa school. Tas wala naman akong nakikitang mga alagang manok.
"Saan mo 'yan nakuha Let?" napatingin ako kay Shiela, katabi kong kaklase ng bigla siyang magsalita
"Napadpad ng hangin." Sagot ko sa kanya at binalik na ang tingin sa itim na pakpak ng manok
"Ahhhhh, pero bakit itim yan? Puti sana para parang nagpaparamdam 'yong guardian angel mo." Pagsabat naman ni Ella, kaibigan ni Sheila na kaklase din namin na ngayon ay nakatingin na din sa pakpak ng manok na hawak ko.
"Naisip ko na baka sa manok 'to. 'Di ba ganito naman 'yong ibang feathers ng manok?" Sabi ko habang nakakunot ang nuo na sinusuri ang kabuuan nito
"Sabagay, sige Let. Maglilinis na kami ng classroom para diretso uwi na kami paglabasan." Sabi ni Sheila at tumayo na para makapagsimula na siguro silang maglinis. Hindi na ako tumingin sa banda nila at nakatuon na ang pansin ko sa itim na feather na hawak ko. Napaisip ako sa sinabi ni Ella kanina na baka nagpaparamdam ang guardian Angel ko, ngunit pinagsawalang bahala ko nalang ito. Pero tama bang isipin na itim ang guardian angel ko? 'Di ko naman masasagot ang sarili kong tanong eh. Kaya better na pabayaan nalang. Papagurin ko lang sarili ko kung titignan at magtatanong ako sa bawat bahay na madaanan ko. Sa pagkakaalam ko din puti ang mga guardian angel kaya baka sa manok talaga 'to.
Napagitla ako ng biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase ngayong araw.
Labasan na pala, 'di ko man lang namalayan. I hurriedly put my things inside my bag and let the cleaners clean the classroom. Paano nga pala ako uuwi? Wala akong payong. Pagminamalas ka nga naman.Kung kailan na ako nandito sa may labasan ng building saka ko lang din maaalalang umuulan pala.
Tumingin-tingin ako sa paligid at nanliit ang mata ko ng may makitang payong sa gilid BWAHAHAHAHA! Kahit papaano 'di naman pala ako malas. Pero sino kaya may-ari nito? 'Di kaya 'yon magagalit pagkinuha ko payong niya?
'Kung sino ka man na may-ari nitong payong, pasensya na kung kinuha ko ng walang paalam. Kailangan ko lang talaga para makauwi na ako. Mag-aalala si mama pag 'di ako nakauwi ng maaga.' Pikit matang pasasalamat ko nalang kung sinong may-ari nito.
Lakad takbo akong sumulong sa ulan. Buti nalang talaga at may payong at baka pati mga gamit ko ay basang-basa ngayon.
"Ma!! Nandito na ako." Sigaw ko pagdating ko palang sa bahay. Hindi ako pwedeng pumasok sa bahay dahil basa ang uniform ko sa ibaba, pati sapatos ko.
Lumabas si mama at napatingin siya sa payong na dala ko."Ohh, may dala ka palang payong? Plano ko na sanang dalhan ka ng payong do'n sa school niyo." Sabi ni mama habang binigyan ako ng tuwalya. Kinuha naman niya yung bag ko at nilagay sa upuan na nasa gilid.
"Asus, ito talagang si Fiona. Napakamaaalahanin" biro ko kay mama habang nakayakap sa kanya.
"Aba't nawawalan ka na ba ng galang sa aking bata ka?" sabay kiliti sa akin ni mama.
"HAHAHAHAHAHA"
"Sige na, magbihis ka na ng matulungan mo ako magluto."
"Opo" Pinatuyo ko muna saglit ang sarili sa labas saka pumasok at dali-daling umakyat sa kwarto para magbihis. Napansin kong may nahulog mula sa palda ng uniform. Bakit nandito ito? 'Di ko ba ito iniwan sa classroom?
"Letitia"
"Pababa na po." Nilagay ko nalang iyon sa study table ko at tumakbo na pababa para tulungan si mama.
"Ano palang lulutuin natin Ma?" kakarating ko lang sa kusina at kinuha agad ang aking apron.
"Magluluto tayo ng kare-kare."
"Aba'y nagkakatuwaan ang aking reyna at prinsesa ah." sabay kaming napatingin ni mama sa kakapasok lang dito sa kusina. Si papa pala, ngiti lang ang tugon namin ni mama kay papa at nagkatinginan kami ni mama, sabay tawa. Mana nga siguro ako kay mama. Nakahiligan ko ng tumulong sa pagluluto at ipagtimpla ng kape si papa habang maghihintay siyang matapos kami sa pagluluto.
"Ang pinakagwapo ninyong anak ay nandito na, Miguel at your service!" kahit kailan talaga ang isang 'to napakahangin.
"Pinakagwapo daw pero wala namang jowa." sabay dila ko sa kanya. Ang sarap talaga basagin ng mahangin na 'to.
Nakatingin ako ngayon sa tatlong taong mahalaga sa akin na ngayon ay puno ng ngiti ang mga labi. Wala na akong mahihiling pa kundi ang manatiling buo at masaya ang pamilyang ito.
"Akyat na ako sa taas Ma, Pa at walang jowa." Pagpaalam ko pagkatapos kumain at dali-daling umakyat papuntang kwarto.
Humiga agad ako pagpasok ko palang dahil ngayon lang ata na proseso ng utak ko at katawan ang pagod ngayong araw. Bumuntong hininga ako at napatingin sa side table. Natigilan ako ng makita ang itim na pakpak, kinuha ko ito at humiga na ulit sa kama ko.
Huminga ako ng malalim habang tinitignan ito'If ano or kanino ka man galing, I'll still keep you.'
BINABASA MO ANG
REINCARNATED ROMANCE
FantasyWhat if peace turns into war? What if love turns into hate? What if love became forbidden? What will happen to that love, will it become a beautiful lie or a painful truth? This is a story of forbidden love between an angelic girl and a demon. Could...