LETITIA'S POV
I woke up in a dark place. May nakita akong kunting liwanag sa gitna kaya lumakad ako palapit dito. Hindi pa ako nakarating sa may liwanag ng biglang may maitim na usok ang lumabas galing dito at sinakop nito ang buong kapaligiran. Nasaan ako?
“Letitia..”
Ang boses na iyon.. napakapamilyar. Ngunit hindi ko mawari kung kaninong boses iyon. Agaran akong napalingon sa bandang likuran
“Sino ka?” Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil ito'y napapalibutan ng madilim na usok. But one thing is for sure, mayroon siyang mga pakpak.
Bigla nalang tumibok ng napakabilis ang puso ko. Ano ‘to? Kinakabahan ba’ko or what?“My Letitia.. come here” Bigla niyang inilahad ang kanyang kamay na parabang nagsusumaong hawakan ko ito. Umatras ako pagkat 'di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. My body wants to come with him but my mind tells the opposite.
“My Letitia...”Humakbang ako paatras no'ng kamuntikan na akong mahulog sa bangin. BANGIN??Bakit may bangin? Kanina lang ay wala ito! Papalapit na siya nang papalapit ngunit hindi ko parin maaninag ang kanyang mukha. Wala na'kong maaatrasan-
Nagising ako dahil sa katok galing sa pintuan. Tinaas ko ang kumot hanggang sa mukha at pumikit uli, ayaw ko pang bumangon...
“Letitia? Bangon na! Baka malate ka pa niyan. Bumaba ka nalang, the breakfast is ready.”
Hindi ko pinansin ang sigaw ni kuya sa labas at pumikit uli. Nagbabasakaling mabalik yung panaginip ko kanina ngunit kahit anong pikit ko hindi ko na siya maalala. Ano nga ulit yun? Ays! Makabangon na nga.
Katok parin si kuya ng katok sa pintuan na para bang gigibain niya na ito anytime. Bumuntong hininga ako at bumangon na.
'Nakakainis naman eh!"Okay kuya, susunod ako" sigaw ko kay kuya mula sa loob. Natigil naman ang pagkatok niya kaya feeling ko nakababa na iyon.
I did my morning routine. Tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin saka ngumiti
"Ang ganda mo talaga self" ngiti kong sabi saka kinuha ang bag na nasa upuan malapit sa side table ko. Lalabas na sana ako ngunit bago pa man ako makalabas ng aking silid napalingon ako sa bagay na nasa gilid ng aking kama. A black feather. Kinuha ko ito at tinitigan.
'Bakit napunta to rito? Sa drawer ko ito nilagay kagabi ah?' Bulong ko sa aking sarili. Binuksan ko ang drawer na nasa gilid ko at napakunot ang nuo ko ng makitang ando'n 'yong pakpak ng manok na dala ko kahapon.
"Nanganganak ba ang isang pakpak?" Napailing nalang ako at hindi na lamang iyon pinansin.
“'Di ka pa ba bababa?” Napalingon ako kay kuya nang pumasok siya sa aking silid.
"Kakatapos ko lang kuya, sorry natagalan" Tila wala siyang narinig sa aking sinabi dahil nakatingin lamang siya sa bagay na hawak ko na tila alam kung saan ito nanggaling.
"Kuya?"
“Saan nanggaling ‘yan?” Takang tanong nito habang nakatutok parin ang mata sa pakpak na nasa kamay ko. 'Wala pala siyang alam. I just shrugged my shoulders. Iniwan ko nalang ang feather sa aking kama. Bumaling ako ng tingin sa kanya saka ngumiti
“Baba na tayo walang jowa.” Tinapik ko sya salanyang balikat at nauna nang bumaba.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED ROMANCE
FantasyWhat if peace turns into war? What if love turns into hate? What if love became forbidden? What will happen to that love, will it become a beautiful lie or a painful truth? This is a story of forbidden love between an angelic girl and a demon. Could...