LETITIA'S POV
"Goodbye students, see you tomorrow" paalam sa amin ni Ms. Dimaano, tumayo agad si Anji, ang class president namin.
"P.E ang next subject natin kaya pinapapunta tayo ni Sir sa gym" sabi ni Anji at lumabas na ng room. Nakatingin lang ako sa mga kaklase ko ng bigla silang mag ingayan. Nagrereklamong mga girls at natutuwang mga boys, habang ako dito nakaupo lamang at nakatingin sa kanila.
"Iwwww, basketball tayo ngayon right?"
"Yes, bilisan natin bro at gusto ko ng magka flat 1."
"Sana naman boys muna ang maglalaro."
Napahalumbaba na lamang ako at saka sinandal ang likod ko sa likod ng upuan.
"What are you thinking honey" a sweet and husky voice filled on my ear. Gusto kong lumingon ngunit hindi maari. Hindi pwede!
"Ilayo mo nga iyang pagmumukha mo Damon" bulong ngunit may diin kong sabi sa kanya. Narinig ko namang inayos niya ang kanyang upuan. Lilingunin ko sana siya ng maramdaman ko na naman ang kanyang mukha malapit sa pisngi ko. Gusto kong lumayo ngunit hindi ko magawa, tila ba may pumipigil sa akin. Ano na naman bang nangyayari sa akin? Kailangan ko na atang pumunta sa Psychiatrist o di kaya'y sa albolaryo at namamaligno ata ako.
"I still love your scent baby" bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi, alam ko namang pinagtritripan lang ako nito pero bakit parang totoong-totoo ang mga sinasabi niya sa akin...
My hands are shaking and I don't know what to do. Fuck! I hate this."Alam mo Damon, kanina ka pa ah. Kung naka drugs ka ngayong araw na 'to! 'Wag mo akong idadamay" lakas loob akong tumayo at humarap sa kanya. Nabigla pa ako sa sarili kong pagtayo dahil kani-kanina lang ay hindi ko magalaw ang katawan ko. Binalewala ko nalang iyon at bumuntong hiningang tinignan siya ngunit ang loko ay nakatitig lang sa akin na para bang manghang-mangha siya sa nakikita niya.
"Alam mo, hindi porke't ang gwapo mo ay pagtitripan mo na ako" galit na sumbat ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa mata niya dahil tila ba hinihigop ako ng mga ito. Pero kung may bahagi man sa mukha niya gustong-gusto kong tignan. Yun ay ang mga mata niya.
"Baby."
"I am not your baby, honey or whatsoever" sa pagkasabi ko niyan biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan. Sa isang iglap napaupo ako ulit sa aking upuan na ngayon ay nakaharap na sa kanya.
Nakatitig sa akin ang kanyang mapupungay na mga mata, hindi ako makagalaw sa sobrang lapit niya sa akin. Ano na naman ba 'to? Parang hindi ko hawak ang sarili ko at may ibang kumukontrol dito."I'm sorry if I scare you." Malumanay niyang sabi ngunit napakurap ako saglit ng mapatingin sa kanyang mata. Dumaan dito ang sakit pero baka guni-guni ko lamang iyon? Wala naman akong sinabing ikakasakit niya.
Natigilan ako sa pagtitig sa kanyang mukha ng bigla akong may narinig. Isang bulong lamang iyon pero dahil siguro sa lapit nito sa akin kaya naririnig ko parin.
"Ngunit panginoon, nasaktan niya ang iyong damdamin" may isang lamok na nasa harap naming dalawa. Napatingin ako sa lamok at ganoon din sa kanya.
"Shut the fuck up Lamo"
"W-what"
Umiling ako at pumikit. Ano na bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako or what?
Hindi pa ma proseso sa isip ko ang nangyayari ng biglang may nagsalita sa kung saan."Ang landi-landi talaga" nilibot ko ang aking tingin sa paligid at napakunot ang aking noo ng mapagtantong nakatingin silang lahat sa akin, o sa amin?
Napabaling ang tingin ko kay Damon at sa aming posisyon, nakaharap ako sa kanya at ang lapit ng mukha naming dalawa. Bakit hindi ko man lang ito namalayan kanina?
Napaatras ako at tumingin sa kanya ng masama ngunit ang walang hiya ay ngumisi lang ng nakakaloko.
Napabaling kaming lahat sa pintuan ng biglang pumasok si Anji, ang aming class president na hingal na hingal.
"BEFORE 5 MINUTES KAPAG HINDI PA KAYO NAKARATING SA GYM. BAGSAK DAW KAYONG LAHAT"
Bigla naman nagtakbuhan ang aming mga kaklase at lalabas na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya ng nagtataka, babawiin ko sana ito ng mas hinigpitan niya ang hawak niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya pero hindi masakit sa kamay. Parang, familiar ang mga kamay niya sa akin. Weird...
Umiling-iling ako dahil sa mga iniisip, nababaliw na nga talaga ako. Bumuntong hininga ako at pagsasabihan ko sana siya ng bigla siyang nagsalita
"I'm sorry" bumuntong hininga siya saka tumingin sa aking mga mata. Tumingin din ako sa kanya ng nakakunot ang nuo dahil hindi ko mawari ang ibig niyang sabi. Pinagtritripan na naman ba ako nito?
"I'm sorry but i can't leave you" puno ng pagsusumamo niyang sabi ngunit may iba pa akong nakikita sa kanyang mga mata.
"Not this time" sasagot na sana ako ng bigla niya akong maunahan.
"Ngayon pa ba? Ngayong nahanap na kita" tumingin siya sa aking kamay na hawak niya at pinisil ito.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Litong tanong ko sa kanya, ngunit tumingin lang siya sa akin saka ngumiti, ngiting puno ng sakit at pangungulila...
"I will never let go of this hand again, even if you want me too... Because the last time i did it" biglang kumirot ang puso ko sa di masabing dahilan.
"It takes me a decade to hold it... again" inangat niya ang aking kamay at bigla itong hinalikan.
Literal na napalaki ang mata ko at binawe ang kamay at tumakbo palabas ng room.Wtf? Did Damon Daile really kiss my hand? Ugh! Nakakabaliw lalo...
BINABASA MO ANG
REINCARNATED ROMANCE
FantasyWhat if peace turns into war? What if love turns into hate? What if love became forbidden? What will happen to that love, will it become a beautiful lie or a painful truth? This is a story of forbidden love between an angelic girl and a demon. Could...