CHAPTER 7

0 1 0
                                    

LETITIA'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway patungo sa classroom. Makakaabot pa ko sa susunod na subject. Bumuntong hininga ako habang prino-proseso ang lahat ng nangyayari sa akin

The black feather

patuloy parin itong bumabagabag sa aking isipan kung saan ito nagmula at kung bakit sa tuwing nanaginip ako at sumasama ang panahon ay lagi itong sumusulpot. May kinalaman ba ang guardian angel ko? Or may manok lang talagang sunod ng sunod sakin?!

Arghhh!!! Sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa inis sa sarili. Nababaliw ka na nga Letitia, walang duda.

“Arayyy!!”

Napahawak ako sa aking nuo ng bigla akong nabanga sa isang matigas na bagay. Juskoo naman, ang malas ko ngayong araw. Sa sobrang pag iisip ko nabangga pako sa pader! Iniba na ba yung daan? Di man lang nila ako nainform!

“Are you okay?? May masakit ba? I’m sorry honey. F*ck! I’m sorry.” Wika no'ng pader. Pader ?Nagsasalita?? Woahhh wake me up pls! But wait! Honey?? Tama ba pagkakadinig ko?

As soon as I open my eyes I met his gaze.. Na ilang dangkal lang ang layo!. Ayy shoot! Ang gwapo no'ng pader! Nakakatulo laway!

“Heyy .. Are you okay?” Tanong ni Damon na puno ng pag aalala ang kanyang tinig. Lahh bat ang gwapo? Uwi ko na kaya to? Nakatulala lang ako sa kanyang mukha dahil bakit ang perpekto nito? Tumikhim ako para mabalik sa realidad

“H-ha? Ah o-oo okay lang ako hihi” putsapayy nautal pako! Parang no'ng nagdaang araw wala lang naman siya sakin ahh. Ba't ba kasi nilapit pa niya pagmumukha nya sa'kin! I imagined singing a tiktok song ’ako’y tinaman, puso’y tinamaan’ I get back to my senses no'ng humalinghing ang damuho.

“Dadalhin na ba kita uli sa clinic?”saad nito na animo’y nang aasar. Aba’t! Siya pa 'tong may ganang mang asar! Sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo pa niyang ikinangiti kaya mas lalo akong nainis.

“Clinic ka dyan! Ikaw pa 'tong may ganang mang asar eh ikaw naman may kasalanan kung ba't ako natumba!” singhal ko sa kanya ngunit nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Tila ba aliw na aliw siya sa nangyayari

“Why me? Eh sino ba 'yong lutang?” Sabi niya at nagsmirk pa ang loko!

“Aba’t! Halika na nga! Pasok na tayo!” Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na sa classroom para matigil na siya sa kabaliwan niya.

As we enter the classroom together, parang nakapatay kaming dalawa ng tao at kung makatingin sila ay parang kami 'yong salarin. Lalo na 'yong mga girls! Parang lalapain ako jusko!
Napatingin sila sa kamay naming dalawa kaya napatingin din ako dito. Nanglaki ang mata ko sa nakita at dali-daling binitawan ang kamay niya, tumingin ako sa kanyang mukha ngunit ang nakakainis na ngiti lang ang iginawad niya sa akin. Psh! Napairap nalang ako sa kawalan.

“Mr. Daile and Ms. Philomena, bakit ngayon lang kayo?”

“Nahilo po ako kanina, remember?” Para naman itong natauhan sa sinaad ko at inirapan ako. Hmmp!

"At ikaw Mr. Daile, kinailangan mo pa talaga siyang sunduin eh nakakalakad pa naman siya. Ano ka? Guardian niya?” Saad nito na may halong sarkasmo na agad ko din naman dinipensahan.

“Ah naku hindi po! Nakasalubong ko lang po siya kanina kaya sabay na kaming pumasok.”

“Tama na. Maupo na kayo.” sabi niya ng hindi kami tinitignan.

“If I know nilalandi niya lang baby Damon ko” Dinig kong bulong no'ng babae kong kaklase pagkaupo ko.

Sinamaan ko ito ng tingin at parang takot naman ito ngunit hindi sakin ang kanyang tingin kung hindi sa likuran ko. Si Damon.. he’s giving a death glare to the girl. 'Yong mga tingin niya..nagbabanta. Lahh inano ba siya? Parang bakla naman to. Hayaan na nga. Pake ko naman?

REINCARNATED ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon