CHAPTER 6

0 1 0
                                    

LETITIA'S POV

Hayss, monday na naman. Ang pinakanakakapagod na araw after ng weekend. 'Yong buong weekend kang nanonood lang ng kdrama tas nagpupuyat ka knowing na walang pasok bukas. Nagpuyat pa ako kagabi kasi nasa isip ko na walang pasok ngayon.

But then reality woke me up, hindi pala reality, kuya ko palang walang jowa ang gumising sa akin. Kahit kailan ang kuya kong 'yon walang ibang ginawa kun 'di sirain ang beauty rest ko.

As usual nandito na naman ako sa school nakalinya dahil may flag ceremony and may plus points sa index card basta makasali ng flag kaya imbes na umidlip sana do'n sa classroom andito ako sa quadrangle, tinitiis ang antok. Wala talagang mabuting naidudulot ang pagpupuyat.

Ipipikit ko na sana ng matagal ang mata ko kaso 'di pa ako nakakapikit may nakita na naman akong nahulog galing sa rooftop. Tinitigan ko ito at pinagsawalang bahala ang nangyayare sa paligid. No'ng malapit na ito ay napansin ko ng kulay nito. Black and it's a feather. Katulad na katulad no'ng nasa kwarto ko.

"...and lead us not into temptation, but deliver us from evil.

Amen."

Nasalo ko ang black feather. Ba't ako nahihilo?

Nagising ako sa isang madilim at masikip na lugar. Nasaan ako?

"TULONGGGG"

"PATAYIN MO NALANG AKO!!"

"ARRRAAAYYYYY! HINDI KO NA KAYA!"

"LORD! PATAWAD!"

Sino ng mga taong 'to? Ba't sila nasusunog?

Nilibot ko ang king mga mata. Bigla akong napaiwas ng makita ko ang isang tao na kinukuhaan ng mata ng hindi ko alam na nilalang.

Bakit ang init sa lugar na 'to? Ang dilim pa! Dahil sa nakakasukang mga pangyayare doon ay tumakbo ako ng nakapikit ang mata.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hindi alintana ang dinadaanan ko. Wala na akong paki kung saan ako mapadpad, basta makaalis lang ako sa lugar na ito.

"ARAY!" natumba ako sa lakas ng impact. Ano ba kasi itong nakaharang sa daanan? Nasa dulo na ba ako? Pagtingala ko may bulto ng malaking tao? Tao ba 'yan?

"Welcome to my whole, Honey"
Bigla akong nanginig sa takot dahil sa boses na narinig ko.

"Wahhhhhhhhh!!!!!"

Napabalikwas ako sa pabangon. Napatingin ako sa buong paligid na nakakunot ang nuo.

HUH?

Nasaan na naman ako?

"Oyy, Letitia. Ok ka lang ba?" Napatingin ako sa nagsalita na nasa gilid ko

"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Cams na nakakunot ang nuo parin.

"Nandito tayo sa clinic. Bigla ka kasing nahimatay kanina sa quadrangle. Kanina pa nagsisimula ang klase. Pinasamahan ka lang ni Ma'am Dimaano."

"Pwede ka na daw umuwi pag 'di pa maayos pakiramdam mo. Iwan na kita. Punta na ako sa classroom." Tumango lang ako sa kanya at nagpasalamat na rin.

Panaginip na naman? Ba't puro ganun panaginip ko? Ok lang ba ako?

Napalingon ako sa table na malapit sa kama.

And there it was.

The black feather

REINCARNATED ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon