LETITIA'S POV
Bakit biglang kumulog at kumidlat? Anong nangyayare dito? Hay.
"Kuya? Uulan ba ngayon?" tanong ko kay kuya na kanina pa ata tahimik. Problema naman nito? Nabasted na naman ata haha, natawa ako sa aking iniisip kaya tumikhim na lamang ako.
"Ewan..." sagot niya habang nakatutok lang ang mata sa daan. Bumuntong hininga ako. Hindi pa ako nasanay ano.
"Di ka man lang ba nanood ng news?" Nakakunot nuo kong sabi sa kanya
"Hindi... Bakit ako manunuod?" tanong niya.
"Baliw ka talaga kuya. But do you think uulan?" tanong ko muli
"I don't think so... I think magkaka rain lang" sagot niya ng nakatingin sa akin ngunit binalik niya naman uli sa daan.
"Tss! Baliw ka talaga kuya"
"Eh hindi ko nga alam eh... Tsaka bakit ako ang tinatanong mo? Mukha ba akong meteorologist?"
"Eh sino pa bang tatanungin ko e dalawa lang tayo dito?" tanong ko
"Tanungin mo 'yang langaw na kanina pa lipad ng lipad" sabi niya.
Oo nga, pansin ko ngang kanina pa 'tong langaw na 'to.
"Shuu! Aish! Bakit may langaw dito? 'Di mo ba nililinisan 'tong kotse mo? Ang daming lamok ha" sabi ko.
"Nililinisan ko kaya. Tsaka mga barkada ko 'yang mga lamok na 'yan"
He's really insane. Baliw 'tong kuya kong 'to! Umiling-iling nalang akong nakatingin sa kanya at tumahimik na.
Finally nakauwi na din kami.
Pag uwi na pag uwi ko dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Hay! Nakaka stress 'tong araw na 'to.
Pagkatapos kong mag half bath at magbihis ay humiga na ako sa kama. Nakakapagod kahit wala naman akong ginagawa buong araw. Hays!
Nakatingin lang ako sa kisami ng makapa ko 'yong balahibo. Hay. Ano ba kasing meron sa balahibo na 'to?
Phew
"Honey..." napalingon-lingon ako sa paligid ng biglang may nagsalita.
"Sino 'yan?" Kinakabahan kong tanong. Nababaliw na ba talaga ako? Wth!
"Honey..." sabi ulit no'ng boses.
"Sino ka?"
"Honey..."
"Magpakita ka 'di ako natatakot sayo! Magpakita ka!" sigaw ko dahil sa totoo lang, para ng sasabog sa kaba ang puso ko.
"Honey..."
"Sino ka? Why are you calling me Honey? Sino ka!" sigaw ko.
"Honey..."
"Wag kang duwag magpakita ka!" sigaw ko.
Maya maya isang itim na usok ang nagpakita. Lumabas ang isang kamay sa usok na 'yon.
Napaatras ako sa dulo ng kama ko.
Unti unting lumapit 'yong kamay na 'yon sakin.
At bigla akong sinampal ng malakas.
"Aray!" sigaw ko.
"Gumising ka ngang babae ka!" sigaw ni Kuya. Napalaki ng literal ang aking mata at napahawak pa ako sa aking mukha.
Oh my Gosh! It's just a dream.
"Kuya! Ano na naman bang trip mo!" sigaw ko ng makabawi. Tinignan ko siya ng matalim habang hawak-hawak ang pisngi na sinampal niya kanina.
"Wala! Tsaka parang binabangungot ka ha" concern niyang sabi kaya naibaba ko yung kamay ko at muling napaisip
Bangungot? Bangungot nga ba 'yon?
Horrible dream... Bakit ko siya napanaginipan.
"Bumangon ka na!" sigaw niya sa aking tenga tsaka siya lumabas ng kwarto ko. Tinapon ko sa may banda niya ang unan dahil sa inis ngunit hindi na siya nito naabutan. Ays!
Nakatulala lang ako saglit ng bigla akong mapatingin sa kamay ko, kumunot ang nuo ko ng makitang ando'n 'yong balahibo. Anong ginagawa nito sa kamay ko? May hinawakan ba akong manok habang natutulog o may konektado ito sa panaginip ko?
BINABASA MO ANG
REINCARNATED ROMANCE
FantasyWhat if peace turns into war? What if love turns into hate? What if love became forbidden? What will happen to that love, will it become a beautiful lie or a painful truth? This is a story of forbidden love between an angelic girl and a demon. Could...