CHAPTER 14: Breathe

1.9K 135 70
                                    

Now Playing: Binibini by Zack Tabudlo

NICCO

ILANG minuto akong tahimik na humihikbi habang nakahiga sa gitna ng basketball court, my right arm is still covering my eyes.

Hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang patak ng ulan sa braso ko, pero hindi ko inalintana 'yon. Sunod-sunod ang naging patak ng ulan at nararamdaman ko na iyon sa buong katawan ko. At tuluyan na nga itong bumuhos ng malakas.

It did not bother me.

I just let the rain fall on me as if the water will help me wash away all the sadness and guilt I am feeling.

Kasabay nang malakas na ulan ay ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko habang iniisip si Jayla.

If I could turn back the time, I would save you from the one who molested you when you were eight. If I could turn back the time, I would not film our intimacy.

But I can't turn back the time, Jayla. I already ruined you.

Nagulat ako nang akala ko ay biglang tumila ang malakas na ulan, pero nang tinanggal ko ang braso ko sa ibabaw ng mga mata ko ay bumungad sa'kin ang magandang mukha ni Jayla.

Nakaupo siya sa tapat ko at pinapayungan ako.

"J-Jayla..."

She smiled down at me. It's a sad smile.

Sa gulat ko ay bumangon ako at umupo rin sa tapat niya habang nasa ilalim kaming dalawa ng payong.

"Bakit ka nagpapaulan?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot, pinagmasdan ko lang ang maganda niyang mukha.

I should be happy seeing her, but the only thing I can feel right now is guilt. She's so precious. She's a diamond ruined by a useless stone.

Muli niya kong nginitian at hinawakan niya ang pisngi ko para pahidin ang luhang lumalandas doon. "Let's go, Nicco." Marahan siyang tumayo at inalok niya sa'kin ang kamay niya.

Tinignan ko muna ang nakalahad niyang kamay at saka iyon hinawakan. Ginamit ko iyong suporta para makatayo. At nang nakatayo na ko ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit, at niyakap niya rin ako pabalik. Nabitawan niya ang payong na hawak niya kaya basang-basa na kami sa ulan.

"I'm sorry," I whispered. "I'm sorry for ruining you."

Nagulat ako nang dumukwang siya palapit sa'kin at tinapakan niya ang magkabilang paa ko habang nakayakap sa leeg ko. "You never ruined me, Nicco," bulong niya sa tainga ko. "Dance with me."

I buried my face on her neck and hugged her tighter. "As you wish," I said.

Then I started dancing lightly while bearing her full weight on my toes. We're just swaying in the center of the basketball court, under the heavy rainfall, while surrendering our pain to the heaven, moon, and stars.

We've done all the kinky stuff, but dancing with her under the rain hits different.

INIHINTO ko ang sasakyan ko nang nakarating na ko sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako sa kanan at tinignan ko ang sasakyan ni Jayla na nasa tapat na rin ng bahay nila. Hindi pa rin siya pumapasok sa loob.

Sabay kaming umuwi nang tumila na ang ulan sakay sa kani-kaniyang kotse. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang pagsayaw namin sa ilalim ng ulan. It was a bitter sweet moment.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon