PROLOGUE

9.8K 367 160
                                    

WARNING:

This story may tackle topics about:

1. Mental health awareness

2. Ending rape culture (victim blaming, catcalling, male rape, etc.)

3. Anti-bullying and violence

4. Stereotyping and ending stigma

5. Doctor shaming

6. Other related social issues

Please read at your own risk.

DISCLAIMER:

Hindi po agad doctor and lawyer ang mga characters. They will start as College students, to med/law students, hanggang maging ganap na doctor and attorney na sila. Also, may mga bad words din po kayong mababasa so 'wag na kayo mabigla haha.

_______________________________

NICCOLO

I FIXED the collar of my white coat and placed my stethoscope on my neck, then went to the nurse station here in the Internal Medicine ward. "Good morning, Ma'am," bati ko sa nurse na nasa station.

"Good morning, dokie." She placed some strands of her hair behind her right ear while smiling timidly.

"Tapos na po bang magsulat ng orders sina Doc?" I asked.

I am currently a Post Graduate Medical Intern here in Dr. Jose Cadiente Memorial Medical Center, the hospital our family owns.

"Yes, dokie. Hihiramin mo ba?"

"Yes, please. Thank you."

She was about to get all the patient's chart from the cart but I insisted. "It's okay, Ma'am. Ako na po," I said while smiling.

"Sure dokie," malambing niyang sagot.

Kinuha ko na ang mga chart ng pasyente ng IM at nakangiting nagpaalam sa kanya. Pagtalikod ko ay napawi ang ngiti ko at mabilis na naglakad patungo sa quarters ng mga interns. Walang tao sa loob kaya agad kong ginawa ang plano ko.

Hinanap ko ang chart ni patient Alfonso Leviste, at nang nakita ko iyon ay mabilis kong tinignan ang recent na Doctor's order.

Diet: NPO

IVF: PNSS 1L + Potassium 40mEq/L

Hindi ko na tinapos ang lahat ng nakasulat nang nakita kong he has an ongoing Potassium correction. Agad akong lumabas ng quarter's at dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto ng pasyente. The nurse even called me but I did not bother to look back.

I need to do what is needed to be done.

That patient ruined my life and the life of the only woman I ever loved. We've been together for a decade but that man ruined our relationship.

Mabigat ang dibdib ko nang pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Wala siyang kasamang kamag-anak dahil lahat sila ay nasa ibang bansa. But I felt no pity, this man deserves to die alone where no one is crying for him.

Halos pigilan ko ang paghinga ko nang naglakad ako papunta sa gilid niya. Tinignan ko ang swerong nakakabit sa likod ng palad niya at nilandas ng tingin ang linya hanggang sa IV fluid niya.

It's in slow drip because it contains Potassium.

Potassium is like an elixir of his life right now. Dito nakadepende ang buhay niya sa ngayon. Kapag hininto ko ang pagpatak niyon, pwede niyang ikamatay. Kapag binilisan ko, pwede niya ring ikamatay. Therefore I have two options on how to kill him, it's either I stop it from dripping, or make it fast.

I held the roller clamp, it's the regulator of the speed of drops. I can move the roller down to stop it, or move it up to make it fast, either way he'll die.

He will finally die and will rot in hell for eternity.

I exasperated a sigh to muster all my courage and moved the roller up, but before I can even do it, someone went inside the room.

Si Storm, ang matalik kong kaibigan.

Salitan niyang tinignan ang kamay ko at ang pasyente. Nang mapagtanto niya kung ano ang gagawin ko ay mabilis niyang ini-lock ang pinto at nilapitan ako. Agad niyang nahawakan ang kamay ko, hinila niya ko, at marahas akong tinulak sa pader at kwinelyuhan.

"What the fuck are you doing?!" he asked with fire figuratively forming in his eyes.

Sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan namin, ngayon ko lang siyang nakitang nagalit nang ganito pero hindi ako nagpatinag.

"He need to die, Storm. I'm gonna kill him," matigas kong sambit.

"For Christ's sake, Nicco! He's your father! Iisang dugo ang nananalaytay sa ugat ninyong dalawa!"

And that...makes my heart shattered more. Parang may isang kadenang maraming pako ang nakapalibot sa puso ko at pilit itong pinipiga. I can feel the pain all over my body. Parang pinipilipit ang buong kalamnan ko sa sakit.

Before I knew it, tuluyan nang umalpas ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

"I hate him so much," my voice cracked.

Niyakap ako ni Storm at hinaplos ang likod ko. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. I loathe him so much. 

Kung hindi dahil sa kanya, kasama ko pa sana si Jayla ngayon, natupad na sana ang mga panagarap niya ngayon, isa na sana siyang abogado ngayon.  

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon