CHAPTER 09: For Jayla

2.1K 149 128
                                    

I did not expect na may magbabasa pa nito because ayun nga, I've been hiatus for quite some time. I'm so used kasi of readers leaving kaya shookt talaga ko. 

Grabe thank you for waiting and staying T.T 

I will put my very best in this series <3 Matira matibay na lang hahaha. 

Enjoy reading!

___________________________

NICCO

"OKAY ka lang, mumsh?" tanong ni Mike na nasa tabi ko lang.

"Shot na lang natin 'yan, cyst!" saad naman ni Stephen na nasa harap ko.

Nakapaikot ang upuan naming apat sa sulok ng classroom habang naghihintay sa Prof namin sa first subject which is Bacte. Pagkahirap-hirap na subject. Kung bakit ba kasi MedTech ang kinuha kong course.

Nagpapa-review kaming tatlo kay Storm kaya kami nakaikot. Pero wala kaming napala dahil ayun si Storm, halos mapunit na ang labi kangingiti dahil kanina pa niya ini-stalk profile ni Sab.

"Si Jayla kasi..." panimula ko.

"Bakit anong nangyari kay Jayla? Nabuntis mo?! Ikakasal na kayo?" tanong ni Stephen.

"Hala, ninong ako!" si Mike.

"Bestman niyo ko, maid-of-honor niyo si Sab," si Storm.

Napamura ko sa isipan ko.

"Mga siraulo talaga kayo!"

Nagtawanan sina Mike at Stephen at nag-fistbump.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kawalan. "Galit kasi sa'kin si Jayla. Dalawang araw na kong hindi kinakausap. Lagi akong iniiwasan. Hindi rin sumasagot sa mga text at tawag ko."

"Bakit? Anong kasalanan mo?" tanong ni Stephen.

"Hala! Ako agad may kasalanan?"

"O, bakit? Hindi naman magkakagano'n si Jayla kung wala kang kasalanan. Walang response kung walang stimulus."

"But not all stimulus can have a response," sambit naman ni Storm kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Mukhang seryoso siya sa pagbibigay ng advice.

"Kunwari mga stroke patients. Kahit anong apply mo ng stimulus sa kanila, wala silang response kasi nga may cerebrovascular disease sila. Hindi gumagana nang ayos ang utak nila. Saka iyong mga may sakit ng Amyotrophic Lateral Sclerosis—"

Hindi niya natapos ang pagpapaliwanag nang ipasak ni Mike iyong natitira nitong siopao sa bibig niya. Hayop na 'yan talaga! Akala ko naman seryoso nang magbibigay ng advice.

"Hehe siopao," ani Storm habang kinakain iyong siopao. "Parang pisnge ni Sab."

Patay na patay ang hinayupak.

"Baka may nagawa kang mali na hindi mo alam na mali pala?" si Mike. "Baka nasaktan mo si Jayla nang hindi mo sadya."

"Eh, hindi dapat sabihin niya sa'kin. Ipaliwanag niya. Pag-usapan namin." I clicked my tongue. "Mga babae talaga."

"Huy, huwag ka naman ganyan," parang bata na sambit ni Mike. "Si Jayla pinag-uusapan natin, hindi babae lang. Saka baka hindi niya lang kaya i-express sarili niya. Baka natatakot lang siya na oras na i-open up niya sa'yo ang problema isipin mo maliit na bagay lang 'yon."

"Tama. Minsan kasi akala natin maliit na bagay lang, pero para sa iba big deal na pala. Talk to her nicely. Tell her that you will listen and you will not take it against her."

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon