CHAPTER 30: Eight Words

2.3K 127 54
                                    

NICCO POV

NGAYON ang release ng list ng mga first sem grades namin for annual subjects. Ang first sem kasi ay 40% ng buong annual grade kaya kung mababa ang first sem mo, kailangan mong i-almost perfect and second sem para ma-reach mo ang 75% na passing score.

Ngayon din ang release ng outright passed, outright failed, and for removals para naman sa mga semestral subjects.

At kagaya nang inaasahan ko ay mababa ang mga nakuha kong grades sa mga annual subjects, sobrang layo sa katotohanan. Ang dalawang semestral subjects ko naman ay for removals. Ibig sabihin kailangan kong mag-take ng removal exam para maisalba ko ang grades ko sa dalawang subject na iyon. Kapag kasi binagsak ko ang removal exam, tuluyan na kong babagsak sa subject.

I am disappointed with myself, pero kasalanan ko rin naman 'to. This is the consequences I need to face. At alam kong kahit anong mangyari, may mga taong hindi ako iiwanan.

"Basta sa second sem baguhin mo na studying technique mo kung sa tingin mo hindi effective ginawa mo noong first sem," saad ni Stephen habang naglalakad kami palabas ng Med building.

"Just focus on the important, huwag mong aralin buong libro, nakaka-drain iyon," sambit naman ni Storm.

"Wala along maipayo kasi hindi ko rin alam paano ko pumasa," sagot naman ni Mike. "Siguro ano, suot ka na lang ng pulang brief kapag exam."

"But we have exam everyday," Kisses said. "So it means araw-araw ka ring nakapulang brief?"

Nagtawanan kaming apat at si Mike naman ay sumimangot. Magksingpula na tuloy ngayon ang pisngi ni Mike at ang brief niya.

Habang natatawanan ay nakasalubong namin sina Zach. Saglit lang silang tinignan nina Mike tapos nagkwentuhan na ulit sila. Wala naman kasi talaga silang pakialam. Nakisali na lang din ako sa kwentuhan nila at hindi na pinansin sina Zach.

Pero bago pa namin malagpasan ang isa't-isa ay nagsalita si Marco. "Hindi ka bagay diyan, ang tatalino ng kasama mo, ikaw bobo."

Sinabi iyon ni Marco nang hindi nakatingin sa'kin, na para bang nagpaparinig tapos nagtawanan silang magkakaibigan.

I hitched my breath as I try to control myself. Sinenyasan naman ako ni Stephen gamit ang mga mata at kilay na parang sinasabing huwag ko na lang pansinin.

"Hindi nga rin sila bagay ng girlfriend niya, eh. Talino ng girlfriend tapos siya utak biya," Sheena said which made my ears heated from anger.

Huminga ako nang malalim para humugot nang mas mahaba pang pasensya pero kung merong may pinakamaikling tolerance sa aming lima pagdating sa mga ganitong klaseng tao, si Kisses iyon.

"Kumusta pala grades ninyo?" tanong niya.

Nagkatinginan kaming apat nina Storm sa isa't-isa at dumilat na para bang sinasabing "Wala na. Finish na. Wala nang makakaawat kay Kisses."

Nasanay na rin ako sa ugali ni Kisses dahil ganitong-ganito din si Jayla at ang bestfriend niya na ex ni Storm na si Sab. Mga strong independent brave women.

Ibinuka pa lang ni Khaye ang bibig niya ay nagsalita na ulit si Kisses. "For sure bagsak na naman kayo. Bakit kaya lagi kayong bumabagsak? Imposible namang dahil puro kayo inom sa bar kasi madalas din naman akong nasa bar at nagpa-party, pero hindi ko naman napapabayaan pag-aaral ko. Baka siguro natural na bobo at tanga lang kayo?"

Nagtiim ang bagang ni Val at akmang susugurin na si Kisses pero agad kaming humarang apat.

"Tama na pre," sambit ni Stephen habang pilit ang pagngiti.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon