CHAPTER 24: Kausap

1.2K 80 57
                                    

NICCO

"OKAY class, that's it for today. Next  week muscles and vessels naman ng upper and lower extremities ang i-a-idenitfy natin."

Nakahinga ko nang maluwag nang matapos na sa wakas ang dissection. Pero hindi naman dito matatapos ang lahat dahil sa mga susunod na meeting, haharapin pa rin namin ito.

Parang sumabog ang utak ko kanina sa pag-label ng mga muscles lalo na ng mga vessels. Bawat ugat may pangalan na kailangang kabisaduhin. Ang dagdag pahirap pa niyan, kailangan muna namin ma-identify kung iyong ugat ba ay nerve, artery, o vein.

"Ayos ka na?" tanong ni Mike nang nakapagbihis na kami.

"Oo, medyo umaayos na. Masasanay rin siguro ako."

"Nood ka ng mga human dissection online para mas madali kang masanay," payo ni Stephen. "Tara na."

Pagkalabas namin ng Med building ay nakita namin si Kisses na mag-isang naglalakad.

"Akala ko sabay kayong uuwi since pareho kayong dorm?" tanong ni Stephen kay Storm.

"May pupuntahan pa raw siya, eh."

"Aaah. Bibili sigurong pagkain, nakakagutom naman kasi talaga. Kain nga rin tayo."

Nagkayayaan silang tatlo kumain pero hindi na ako sumama. Bukod sa nagtitipid ako, hindi ko pa kayang kumain pagkatapos ng human dissection namin kanina. Grabeng tibay ng sikmura ng mga 'to.

Umuwi na lang ako sa unit namin ni Jayla at saka nagluto ng dinner. That dinner isn't for me, it's for Jayla, para may kakainin siya pagdating niya mamaya. I rarely eat dinner simula nang mag-diet and gym ako.

Instead ay naligo na lang ako dahil pakiramdam ko kumapit sa'kin ang amoy ng formalin. Ayoko namang datnan ako ni Jayla na ganito ang amoy.

Natawa ako sa mga naiisip ko. Every pieces of my thoughts revolves around Jayla; it's like she's always my reason.

Matapos maligo ay inilabas ko lahat ng mga kailangang aralin dahil may exam na naman kami bukas. Kasama sa inilabas ko ay iyong libro ko sa Histology. Reprint lang iyon at hindi original dahil worth 5k ang original. Itong reprint 2500 lang kaya lang ilegal.

Ang pera lang na meron ako ay iyong galing sa mga binenta kong toy collection saka allowance galing kay Mommy kaya nagtitipid talaga ko.
Tapos hati pa kami ni Jayla sa mga bayarin dito sa unit, hindi ako pumayag na solohin niya lahat.

Sa may living room ako nag-aral dahil kung doon sa study table ni Jayla sa  kwarto, siguradong hihilahin lang ako ng kama para matulog.

I studied non-stop, I read, I highlight, and drink coffee. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at narinig ko na ang tunog ng passcode lock ng pinto.

I smiled upon seeing Jayla.

"Hi, Beeeee!" nakangiti niyang bati sa'kin pero halata sa mga mata niya ang pagod.

I spread my arms wide like I'm asking for a hug. She immediately hopped on the sofa and hugged me, and so I locked her inside my loving arms.

"Tired?" bulong ko habang nakadampi ang labi ko sa buhok niya.

Tumango lang siya at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa'kin. "I miss you," aniya habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko.

"Ilang oras lang tayong hindi magkasama," I answered as I entangled my fingers on her long hair.

"Eeeh! Kahit naaaa!"

I chuckled and hugged her tighter.
Paano niya nagagawang alisin lahat ng pagod at takot ko sa pamamagitan lang ng isang mahigpit na yakap?

"Wait!" Inangat niya ang ulo niya para tignan ako. "Bakit pala dito ka nag-aaral? Why not sa study table ko? Hindi ba I told you naman na you can use it."

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon