CHAPTER 29: You are Not Alone

1.6K 109 50
                                    

Last chapter was my little social experiment. Tinignan ko lang if who will receive more hate. Si Sheena ba who took advantage of Nicco's condition, or si Nicco who's drunk and can't give proper consent. Feel ko naman ala niyo na kung sinong naka-receive ng more hate lol.

Medical jargon ahead.

1. HAMA - Home Against Medical Advice. Ito iyong mga pasyenteng mas piniling umuwi kahit ang advice ng mga doctor eh i-admit or mag-stay pa longer. May mga pinipirmahan silang HAMA waiver bago umuwi.

2. Concucssion - traumatic brain injury that may alter someone's consciousness temporarily dahil sa matinding head impact.

Trigger Warning:

Sexual abuse, suicide

__________________________


NICCO

"Tao po! May yelo po kayo?" sigaw ko sa tapat ng bahay nina Jayla. Naka-smile lang ako dahil excited na kong makita si Jayla.

Tapos bumukas na iyong gate at lumabas si Ate Mira, nakatago sa likod niya si Jayla at nakasilip sa'kin.

Sumimangot ako kasi hindi ako sanay na ganyan si Jayla. Simula nang nangyari sa kanya doon sa abandonadong bahay, naging malungkutin na siya.

Laging may media sa labas ng bahay nila tapos lagi rin silang umaalis papunta raw sa korte. Hindi ko alam kung ano 'yong korte, pero sabi ni Kuya Waldo, pangmatatanda lang daw iyon.

Kung pangmatatanda lang iyon, bakit pumupunta doon si Jayla?

"Nicco, bakit wala kang kasama? Bibili ka ba ng yelo?"

"Tumakas po ako kay Kuya Waldo. Saka hindi po ako bibili, gusto ko lang po makalaro si Jayla."

Lalo lang nagtago si Jayla sa likod ni Ate Mira at saka kumapit nang mahigpit sa palda ni Ate Mira. Pero medyo nakangiti siya sa'kin.

Hala ang cute!

"Okay lang ba, Ma'am Jayla?" tanong ni Ate Mira.

"Opo, okay lang po." Nang tumango si Jayla ay pumasok na kaming tatlo. Umupo kami ni Jayla doon sa malaking garden swing.

"Bakit ka nagtatago sa likod ni Ate Mira kanina?"

Nakayuko lang siya habang pa-sway sway iyong mga paa niyang hindi sunasayad sa lupa.

"Sabi kasi nina Daddy huwag daw muna ko lalabas ng bahay. Kaya lang narinig ko boses mo kaya nagpumilit ako sumama kay Ate Mira. Pumayag siya basta daw magtago ako sa likod niya."

"Sorry, Jayla..."

Tumingin siya sa'kin. "Bakit ka nagso-sorry?"

Tinignan ko lang din siya tapos 'di ako makasagot. Gusto ko mag-sorry kasi kasalanan ko bakit siya ginawan ng masama no'ng big guy. Kung hindi sana ko naduwag no'ng nakita ko 'yong baril ni big guy eh' di sana naipagtanggol ko si Jayla.

"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin? Crush mo ko 'no?" tanong niya. "Of course crush mo ko! Maganda ko, eh!"

Ngumiti ako nang malapad. "Kahit naman hindi ka maganda crush kita."

"Hala! Bata pa tayo, Nicco! Bawal pa crush crush!"

"Hala! Ikaw kaya unang nagtanong! Pero sige, dahil bata pa tayo, best friend na lang muna tayo."

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon