CHAPTER 16: Marupok

2K 137 223
                                    

AFTER 3 WEEKS MAY UPDATE ULIT AKO AKALAIN NIYO 'YON? NA-BUSY KASI AKO SA BUHAY SO I APOLOGIZE FOR NOT UPDATING IMMEDIATELY HEHE.

SA NAKALIMOT NA NG LAST CHAPTER, BACKREAD NA LANG SIGURO KAYO KASI KAHIT AKO NAG-BACKREAD DIN HAHAHA!

DEDICATED TO JEMELYN FOR BEING THE TOP 3 ON #MEDICSAT300 GAME 3 WEEKS AGO HAHA.

_________________________________



JAYLA

"WOW, bb! Naka-skirt ka na ulit!" bungad ni Sab pagkapasok ko ng lobby. Nandito na silang lahat at ako na lang ang hinihintay.

"I miss wearing skirt!"

"Kaya pala naka-dress ka noong New Year," bati ni Chase. "Sikat na 'tong Master natin. Viral ang New Year post!"

"Mag-bestfriend talaga kayo nitong si Sab. Lagi kayong viral," puna ni Derek.

"At least naman si Jayla nag-viral dahil sa inspiring post niya noong New Year! Itong si Sab nag-viral dahil sa pagkakalat niya sa gig ni Ebe!" pang-aasar ni Chase kaya nagtawanan na naman kami.

I miss these morons.

"Puro kayo kalokohan. Tara na sa taas."

"Yes po, mami Jayla!" giit ni Angelo.

Mula sa pagpila sa elevator hanggang pagpasok ng classroom ay may mga ilang bumabati sa'kin, at mas naging carefree na rin ako sa pagkilos ko. Hindi gaya dati na natatakot ako na may makatabing lalaki sa elevator, o hindi kaya'y naprapraning kapag may magkakaibigang nagtatawanan na feeling ko ako lagi ang pinag-uusapan.

I am still adjusting to go back to the old me, but with the help of my friends, alam kong kakayanin ko.

Napansin ko ring absent si Tricia ngayong first day ng second sem namin. Kumusta na kaya siya? She deactivated all her socmeds right after mag-viral iyong #KabetReveal post ng asawa ni Sir Napoleones.

Introduction lang ang naganap sa first two subjects namin. Now na breaktime na namin, we all went to canteen and decided na dito mag-lunch kesa lumabas pa.

Nagkwekwentuhan at nagtatawanan kami when I noticed Cherry's group...hindi nila kasama sa table si Mikay. Tinakwil na ba nila si Mikay dahil sa nangyari last year? Maybe Mikay was right, Cherry never treated her as a friend.

"Huy, Jayla! Huwag ka nang matulala diyan...sigurado namin kaming mahal ka pa rin ni Nicco," pang-aasar ni Chase kaya kinatsyawan nila kong lahat.

"Pwede ba? Alam ko 'yon! Kahit break na kami I know he loves me pa rin!"

"Naol love," hirit ni Travis.

"Naol mahal pa rin ng ex," si Chase.

"Naol may ex," si Angelo.

"Napaka niyo talaga!" irap ko sa kanila.

"Eh ang layo kasi ng tingin mo, bb. Ano ba kasing iniisip mo?"

Huminga ko nang malalim. "Iniisip ko kasi 'yong kanta...ang mga ibon daw na lumilipad ay mahal ng Diyos. Eh, how about mga ostrich and manok? They are ibon din but they are not flying. So hindi na sila love ni Lord?"

Napakamot sila ng ulo at napa-facepalm.

"Wala na 'to si Jayla, malala na 'to," sabi ni Kuya Burnik. "Nahawa na sa katangahan ni Nicco."

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon