Chapter 12

1.7K 57 4
                                    


Chapter 12

I have never experienced joining in any competition nor extra curricular activities in my past school. I was never a top nor active student. I prefer to have my own world on the one side of the four corners of the classroom.

Of course, who would have the energy to join if no one would cheer me? No one would even dare to attend and support me. Maybe a real happiness that a child and a teenager must experienced was deprived from me. So, don't blame me if I haven't been good in my studies because I really don't have the inspiration to do so.

And right now, seeing my daughter doing anything she wants that I wasn't able to experienced, I can't help but to be proud of her, to be proud of myself.

Can I call myself a good mom now?

Lahat nang pinagkait sa akin binibigay ko sakanya. Yung mga iniiyakan ko noon, naiibigay ko sakanya. At ang makitang masaya ang anak mo sa mga bagay na iyon ay sobra pa sa kasiyahan na nararamdaman ng isang magulang. Pakiramdam ko hindi ako nagkulang. Sobrang napuno ko siya ng pagmamahal na binibigay ko at sa tingin ko ay sapat na iyon.

Anastasia is ramping and posing on the stage together with her partner. I guess, they also practiced this part. She's good, I haven't expected her to be this confident while owning the stage. Parang hindi ko siya anak dahil hindi naman ako ganyan.

Nang tumigil silang dalawa sa gitna sa harap ng mic ay pinatong ni Ana ang braso sa balikat ng lalaki habang ang kabilang kamay niya ay nasa kanyang baywang.

"Maganda umaga po sainyong lahat! Ako si Anastasia Claire Soriano ang kinatawan ng nursery at naniniwala sa kasabihang, 'Kung hindi ka marunong lumingon sa aking kagandahan ay kawawa ka naman.' Maraming salamat po!" masigla niyang sambit at matamis na ngumiti sa mga tao.

Nagpalakpakan ang mga nanonood kaya ako din ay ginawa ko iyon. Hindi ko maintindihin bakit iyon ang kasabihan niya. Iyon ba ang tinuro ng teacher niya? Nang makita niya ang pwesto namin ay buong akala ko sa amin siya ni Noah titingin ngunit kumindat ito sa katabi ko.

"That's my Ana!" sigaw ni Aaliyah.

What the?! Huwag mo sabihing siya ang nagturo no'n sa anak ko? At kung makapag cheer siya diyan ay daig pa ako. Siya ba ang nanay, huh?

"Damn, her surname must be a Davis. And what's with her saying?" Noah asked me.

"She is still a Soriano. And about her saying, I think I knew who taught her that." sagot ko.

"Who?" tanong niya.

"Itong katabi ko." sagot ko.

Siniko ko si Aaliyah na grabe mag cheer dahil sobrang proud sa tinuro sa anak ko. Tumigil siya at napatingin sa akin.

"Anong tinuro mo sa anak ko?" tanong ko.

She smiled and did the peace sign. "She asked me yesterday about what's the best saying. Galing ko noh?" aniya at tumaas baba pa ang kilay.

"Walanghiya ka! Hindi naman matino ang sinabi mo, kung ano nanaman tinuro mo sa anak ko Aaliyah."

"Manood ka nalang, Mommy Thalia. Susunod na daw ang sports attire." natatawa niyang sambit kaya inirapan ko siya.

"Punta lang ako sa backstage." paalam ko sakanila at tumayo.

"Hija, samahan kita?" tanong ni Manang.

"Hindi na po." sagot ko.

Pupunta na akong mag-isa sa backstage ngunit sumama na din si Noah dahil gusto din daw niyang makita ang anak. Pinalitan ko si Ana ng sports attire niya at pagtapos ay bumalik na rin kami agad sa upuan.

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon