Chapter 30

1.5K 46 6
                                    


Chapter 30

May kumatok at pumasok dito sa room. Bumungad si Noah.

"Can I come in?" he politely asked.

Oh shoot, I forgot that I am with him! He's been waiting for me outside for almost an hour?

Tumayo ako at hinila siya papasok. I whispered 'sorry' and he just nodded.

"You doing fine?" he asked.

"Yeah.." mahina kong sagot.

"Good afternoon, Sir." bati ni Noah.

"Tito nalang, hijo."

"Dad, si Noah po uhm.. the father of my child." pakilala ko.

Dad chuckled. "Ayun lang ang pakilala mo? Akala ko ba ay boyfriend mo?" tanong niya.

Oo, iyon nga ang pakilala ko sakanya nung birthday niya. Pero sinabi ko lang naman yun eh. Tsaka malay ko ba kung ano na ba talaga kami, wala naman kaming label!

"Yeah, Tito. I'm her boyfriend. She's just in denial." Noah said and grabbed my waist.

Marahas akong napalingon sakanya. "Nanligaw ka? Sinagot ba kita?"

He lazily looked at me. "We are not some teenagers, aren't we?"

I blushed. So that confirms our relationship? Ganoon na iyon, kami na? Hmp, wala pa nga akong sinasabi sakanya kung gusto ko siya o mahal ko siya. At hindi rin naman siya nagtatanong!

Umirap ako para itago yung kilig at pamumula ko. Naabutan ko si Dad na nakangiti habang nakatingin sa amin. Ngumuso ako sakanya at umiling.

"Tito, may kailangan po ba kayo? Pwede po akong lumabas at bumili." Noah offered.

"Wala naman-"

"Adrian, put these on the couch."

Sabay sabay kaming napalingon sa may pintuan. Hindi namin narinig na nagbukas iyon. Kasabay ng paglingon namin ay ang pagtigil nila.

"Noah-" bati ni Adrian kay Noah pero agad napatigil nang takang mapatingin sa akin.

His mother was shocked but suddenly composed herself. Her stoic face describes how scary she is.

"Who told you to go here?" his mother directly asked.

Kilala na niya agad ako? Kung kilala niya ako, buti nalang pala ay hindi kami nagkita nung party. Dahil baka magkaroon ng gulo doon. Madaming tao at iniiwasan kong makasalamuha sila don.

Sabi ko pa naman kanina na hindi ako magpapaabot sakanila pero hindi ko rin naman kayang iwan si Dad na walang kasama kaya hindi ko na iyon inisip pa.

"Mom, it's Noah and his secretary." pakilala sa amin ni Noah.

Nabitawan ng nanay niya ang mga hawak at pinagkrus ang braso sa dibdib. She sarcastically laughed.

"Oh, really?" she said and looked at her husband at my back. "Evan, why don't you introduce your bastard child?"

Kunot ang noo ni Adrian ay taka siyang napatingin sa akin at kay Dad na nasa likod ko. Napayuko ako at napaatras ng isang hakbang. Noah squeezed my waist and pulled me closer to him.

"Dad, is she your daughter from Rachel?" Adrian asked, not giving respect for my mom.

"Y-Yes, Adrian." hirap na sagot ni Dad.

"I knew it. The first time I saw you, you look familiar. You resemble your flirty mother." ani Adrian.

"Adrian." mariin na saad ni Noah na may tunog pagbabanta.

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon