Chapter 20

1.7K 46 3
                                    


Chapter 20

"MommyLa, dadalhin niyo po ako dito sa big house?" manghang tanong ni Anastasia.

Iyon ang bumungad sa akin pagkapasok ko palang ng penthouse. She is sitting on her Lola's lap while looking something on the phone. Noah's standing behind me. Magkasunod lang kami siyempre.

"Yes, do you want to come with me and meet your DaddyLo?" she asked.

"Yes po! Finally, I have lolo and lola na po." masayang sambit ng bata.

"Anastasia." tawag ko sakanya.

Parehas silang napatingin sa akin.ang malapad na ngiti ng matanda ay nawala at pumukol sa akin ang masasamang tingin. Habang ang bata naman ay malapad pa rin na nakangiti at bumaba mula sa pagkakaupo sa kanyang lola bago tuluyan na tumakbo palapit sa akin.

"Mommy, Daddy!" sigaw niya. Agad niya akong hinawakan sa aking pulso at hinila palapit sa kung nasaan ang matanda.

"Ana-" hindi ko na siya napigilan pa at nagpatangay nalang ako sakanya.

The last time we met was a bad encounter. So should I greet her right now? Tumigil kami sa tapat ng babae at agad akong napaiwas ng tingin.

"Mom, this is MommyLa, she is dad's mom." masaya niyang pakilala sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa aking anak. "Yeah.." tanging nasagot ko nalang.

"Mom, what's with the sudden visit?" Noah broke the silence.

"Can't I meet and visit my granddaughter?" masungit na tanong ng ina.

"You can but–"

"But what, Noah?" taas ang kilay na tanong ni Mrs. Davis.

Ngayong mas natititigan ko siya at katabi ko lang din ang aking anak, mas napagtanto ko na parang siya ang kamukha ni Anastasia. Kamukha ni Ana ang ama niya pero kung titignan nang mabuti mas kamukha niya ang kanyang lola. Lalo na siguro kung magiging ganito kasungit si Ana na sana ay huwag naman.

"Atleast let me know. And didn't I tell you that I'll be the one to bring her to our house?" Noah calmly said.

"I can't wait anymore, anak. And remember what you did to me the last time." saad niya.

I heard Noah sighed beside me. "I'm sorry about that, Mom." he softly apologized.

"There's only one way for me to forgive you."

"What is it this time?" tanong ni Noah.

"Let's go to the mansion. Let your father and siblings meet your daughter." kundisyon niya.

"Pag-uusapan pa namin ni Nathalia ang tungkol diyan, Mom." nahihirapang sabi ni Noah.

Mrs. Davis looked at my daughter. "Ana, do you want to go with me at my mansion?" she asked, smiling widely.

Is this one of her tactics to get Ana away from me? Kinukuha ba niya ang loob ng anak ko? Ako na ang humawak sa kamay ni Ana at marahan siyang hinila palapit sa akin. Mahirap na yung magtiwala. Alam kong nanay siya ni Noah at ayokong manghusga pero hindi niyo ako masisisi.

"Yes po, can I?" tanong ng bata.

"Of course you can, but help me to convince your dad."

Tumingin sa amin si Ana. "Mom, Dad, can we go to MommyLa's big house?" she excitedly asked.

"Please?" she pleaded.

Pinagmamasdan ko lamang ang kanyang reaksyon at hindi alam ang dapat na isagot. We said to took this slowly but why is everything's too fast? At isa ito sa mga kinakatakot ko. Base naman sa mukha ng anak ko ay gusto niya talagang makilala ang pamilya ng ama.

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon