Chapter 3

2.4K 64 3
                                    


Chapter 3

"Paki-sign nalang po." sabi niya at agad ko naman na ginawa.

"Thank you.."

Kinuha ko sakanya ang pagkain na dineliver dito. Do I really need to go in? Hindi ba pwedeng iba nalang ang magbigay nito sa loob? At bakit sobra ang kaba ko? Bakit, Nathalia Kirsten?!

I knocked three times before opening the door. Napatingin sila parehas sa akin. Nanatili akong nakatingin lang sa boss ko.

"Sir, nandito na po yung lunch niyo."

"Oh.. okay. Can you put it on the table?" nakangiti niyang sambit.

Tumango ako at naglakad para ilagay ang dala ko sa table gaya ng utos niya.

"I'll just bring.. uh what do you want, Sir? Juice or water?" tanong ko dahil napansin kong walang inumin yung dala ko.

"Yes, juice please and.." he said and looked at the man infront of him.

Tinapunan ko siya ng tingin at agad din na iniwas. Kanina ko pa kasi napapansin ang matatalim niyang tingin.

"Water.." walang gana niyang sabi.

"Sige po, Sir." sabi ko sa boss ko at agad na umalis.

Kinuha ko ang kailangan nila. Pagkapasok ko ay nakaupo na sila sa sofa na pinaggigitnaan ang table na pinaglagyan ko ng pagkain kanina. Nakalatag na doon ang pagkain kaya inilapag ko na din doon ang juice at tubig.

"Anything else, Sir?" tanong ko.

"Wala na, salamat. May kasabay ka ba kumain? You can join us."

"Uh, hindi na po. May baon po ako, sa cafeteria nalang ako kakain. Salamat." pagtanggi ko.

No way in hell I'll join them! Kahit gaano ako kagutom ayokong makasabay ang lalaking yan sa hapag. Big no!

"By the way, Noah this is Nathalia Soriano, my new secretary. And Nathalia this is Noah Davis, a friend. Don't you know him?" tanong niya.

My jaw dropped at his question. At bakit kailangan kilala ko siya? Dapat ba kilala ko siya? At bakit may pagpapakilala na nangyayari ngayon? I am just his secretary. Ganito ba talaga?

Pabalik-balik ang ginawa kong tingin sakanila. Natigil ang mga mata kay Noah. Malalim ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Naghihintay sila ng sagot ko. Lumunok ako para hindi mautal. I caressed my scar, again.

"No.." mariin kong sambit at ibinalik na ag tingin kay Sir.

"Oh I see.. And are you somehow related to Sorianos? Specifically, Mr. Evan Soriano?"

Sa pagkarinig ng pangalan ay sumikip ang dibdib ko. Napaiwas akong tingin at tumungo.

"I'll take my break, Sir. Have a good meal." I seriously said and leave that place. Not even answering his question.

I am not oblige to answer that anyway. It's my personal information. Call me rude or whatever, but I did what I think is right. Ayaw nga nila akong kilalanin ng ibang tao bilang anak nila. Kaya bakit ko ipapakalat ang katotohanan na iyon? Nirerespeto at iniintindi ko ang gusto nilang mangyari.

I had my lunch alone in cafeteria. I didn't eat that much because what happened clouded my mind. Noah being here today. I don't even know if he recognized me. His stares made me uncomfortable. What about my daughter? Should I say that I finally met her father again? Noah doesn't even know she's existing. That he has a daughter from me. That he has Anastasia Claire. Because he chose not to believe me.

And paano kung nakilala nga niya ako? Tatanungin ba niya ako tungkol sa bata? Kung anong nangyari sa bata na sinasabi kong kanya? Anong isasagot ko kung mangyari iyon?

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon