Chapter 1

2.8K 78 5
                                    


TRIGGER WARNING!!

Chapter 1

"Larisa Dela Cruz, the heiress of Dela Cruz Corporation, also the fiancee of Noah Devyn Davis died after a car accident this morning."

Nabitawan ko ang hawak na remote pagkarinig ng balitang iyon. Patuloy akong nakinig sa balita.

She died. She was supposed to go to there private resort in Laguna alone. And her mother also said that Larisa will go there because something happened. And Larisa didn't say anything and wanted to fix her problems alone.

I am so sure, that this is somehow related to what happened yesterday. Right, that was the problem. And as I remember, she also called off their engagement.

So, I have a share of fault there. She died! She fucking died because of what happened yesterday!

But no.. I just wanted Noah to know my situation. It was not my fault if she accidentally heard us.

But fuck.. I ruined them. I ruined her. She died because she was hurt. She died because her fiancee had sex with me. She died because I came in on the picture.

She died... because of me.

Hindi ako lumabas ng condo ko ng ilang araw. Sa bawat araw ay laman ng balita ang pagkamatay niya.

It was so sudden.

Sa bawat balitang naririnig ko, hindi ko kayang hindi sisihin ang sarili. Nalaman din na bago mangyari ang aksidente ay umayaw na si Larisa sa pagpapakasal. Inamin daw iyon mismo ni Noah sa mga magulang ni Larisa kaya siya ata ang sinisisi sa nangyari.

Nakaburol na ang bangkay at halos lahat ng malalaking pamilya ay nakiramay. Panigurado nandoon din sina mom and dad. At haggang doon na lamang ang alam ko.

Hindi na ako nanood pa ulit ng balita. At huhupa na rin kalaunan ang balita dahil gusto ng pamilya na mailibang ang anak ng pribado at walang kahit ano man na media.

Natatakot ako na baka malaman din nila yung dahilan kung bakit umayaw si Larisa sa kasal. Baka malaman nila na ako ang pinaka dahilan. Kung hindi nalang sana ako pumunta doon. Kung sana hindi ko nalang sinabi at pinaalam kay Noah. Hindi na sana niya narinig. Hindi na sana niya naisipan na umalis. At buhay pa sana siya ngayon at masaya silang dalawa.

Tinakpan ko ang tainga ko nang dalawang kamay. Tiniklop ang mga tuhod at pinatong ang noo doon. Paulit-ulit akong umiiling habang naluha.

Gusto kong mawala lahat ng iniisip ko. Paniwalain ang sarili ko na wala naman akong kasalanan dahil walang may gusto non. Aksidente lang ang nangyari.

Iba ang pumapasok sa isip ko. Muntik nang masira ang pamilya ni mom and dad nang dahil sa akin. Ayaw man lang akong makita ni dad dahil kahihiyan lang ako sa pamilya nila. Itinawil ako ni mom dahil puro pasakit nalang ang dala ko sakanya. Hindi ako pinaniwalaan ni Noah dahil sino nga ba naman ako diba? Namatay si Larisa dahil sa narinig niya.

Lahat sila nagiging miserable dahil sa akin. Ako na walang dulot kundi puro kamasalasan. Anong gagawin ko? Heto lang ako.

Baby, walang gustong tumanggap sa atin. Ayaw kong magaya ka sa sitwasyon ko ngayon. Kaya patawad kung hindi ko na kaya. Patawad kung sumusuko na ako. Patawad kung hindi ko na kayang mabuhay pa. Magkasama naman tayo, isasama kita.

I dialed mommy's number but she's not answering. So, Kuya Lucas is my last choice. Para sakanya man lang makapagpaalam ako.

"Do you need anything, Thalia?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. Wala na akong kakailanganin.

"Kuya.." hikbi ang lumabas sa akin.

"What happened? Ayos ka lang ba? Pupuntahan kita." sambit niya.

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon