Chapter 13

1.8K 51 2
                                    


Chapter 13

I am not ready in this confrontation. This is not what I've planned for. I wanted to say it to Kuya Lucas but when it's only the two of us. I hid and kept this secret from him for 4 years. And it's somehow wrong that he needed to know it in this kind of situation. In this situation where Ana and I are already living with Noah. I didn't let him be aware of my decisions beforehand.

Kuya Lucas' deadly stares and silence are so scary. It's making me want to run away from him.

"Mommy, hindi po ba pupunta si Ninong Marcus?" Ana asked.

"Uh.. no. Maybe he's busy with his life and work." sagot ko.

Hindi ko na rin naman kasi nakakausap pa iyon. Makamusta nga ang taong iyon sa ibang araw. Huli na rin siya sa mga balita sa akin at mukhang magugulat din siya sa malalaman. Pero ngayon ay kailangan ko munang harapin itong sitwasyon na ito.

"I missed him na po." malungkot niyang sabi.

"We'll call him, okay?" nakangiti kong sabi at tumango nalang siya.

Kanina pa kami nandito sa restaurant kung saan nagpa reserve si Noah. Sa kaliwa ko ay katabi ko si Aaliyah na katapat si Liam. Ang katapat ko naman ay si Manang. Sa kanan ko ay si Ana na katapat si Kuya at ang katabi ni Ana ay si Noah. Kanina pa tahimik ang lamesang ito hanggang sa makakain kami. Si Anastasia lang ang medyo nagsasalita at nagtatanong. Kanina ay pinakilala ko na rin sakanya si Liam bilang dati kong boss at kaibigan ng tatay niya.

Yung tensyon sa lamesang ito ay ramdam na ramdam ko at hindi ko alam kung paano iyong mawawala. Ito namang si Aaliyah ay kanina pa natikhim at pasimple akong sinisiko. Sinsipa pa nga ako sa ilalim ng lamesa. Si Kuya naman ay matatalim na tingin lang ang iginagawad sa akin at kay Noah, napapaiwas nalang tuloy ako ng tingin. Kahit si Manang na naiintindihan ang sitwasyon ay hindi rin alam ang gagawin.

"Tito, did you know that my Daddy is also an owner of a company like you? He's so cool po." masiglang kwento ng bata.

I saw how Kuya clenched his jaw. Omg, I have another problem! He also doesn't know that I am now Noah's secretary and not Liam's!

"Yeah, but I am way better than that man." mariin niyang sabi.

Liam chuckled. "Agree." saad nito.

"Shut up, Liam." mahinang sambit ni Aaliyah sa aking tabi.

"Parehas lang po kayo ni Daddy na magaling." sambit ni Ana.

"Ana, what do you want? Ninang will buy it for you." singit ni Aaliyah.

"Ninang, I want the chocolate chip brownies in your bakeshop po." she requested.

"Thalia, dalhin ko nalang muna si Ana ha? Usap muna kayo." bulong niya sa akin.

Hindi pa man ako pumapayag ay tumayo na siya sa kanyang upuan. Kung iiwan nila ako dito, lagot ako. Para akong batang natatakot kasi papagalitan ng kapatid niya!

"Let's go to my bakeshop, Ana. I'll give everything you want there." ani niya.

Tapos na rin naman kami kumain. Naghihintay lang talaga kami ng sunod na gagawin at kung sino ang magsasalita. At ito na rin siguro yung magandang paraan para makapag usap kami nang wala si Ana. Binalingan ko si Ana.

"Go with your Ninang and Manang will go with you, too." nakangiti kong sambit.

"Paano po kayo?" tanong niya.

"Uh.. uuwi na kami. Si Ninang mo nalang ang mag-uuwi sayo." sagot ko.

"Okay po!" sagot niya at tumayo na rin sakanyang upuan.

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon