Chapter 35

1.5K 38 1
                                    


Chapter 35

Noah texted me that the driver is already outside the restaurant.

"Get your bag, Ana." saad ko dahil may dala siyang sling.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Ana at lumabas kami. Agad kong natanaw ang kotse. Alam ko na iyon dahil iyon din ang pang hatid sundo kay Ana sa eskwelahan.

Walang bodyguards na nasa labas ng kotse gaya ng sabi ni Noah. Baka nasa loob? Or may iba silang sasakyan? Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at tuluyan kaming sumakay na sa kotse. Dalawang tao lamang ang nadatnan ko sa loob. Isang driver at isa na nakasakay sa passenger. Bodyguard siguro siya? Pero bakit isa lang?

Umandar naman kaagad ang kotse at napatingin ako sa driver. He's not familiar. Hindi siya yung naghahatid sundo kay Ana. Bago na ba driver ni Noah o family driver nila ito? Pero hindi eh, parang may mali. Ganoon din sa lalaking nakaupo pa sa harap, ngayon ko lang ata siya nakita.

"Bagong driver ka ba ni Noah?" lakas loob kong tanong.

"Yes, ma'am." maikli niyang sagot.

Napakunot ang noo ko. Imposible! Kahapon ay si Manong pa yung driver ni Ana tapos biglang ngayon ay bago na agad?

I pulled Anastasia closer to me, hugging her. I secretly get my phone.

To: Noah

Did you hire a new driver? At akala ko ba may bodyguards na kasama?

I pressed the send button.

"Mommy, where are we going?" tanong ni Ana.

"We're going to your MommyLa-" napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin ang paligid.

This is not the way to their mansion. Bakit puro puno na at parang wala kami sa syudad?

I'm starting to get nervous as he's taking a different path.

"Manong, hindi ito yung daan papunta kina Noah." sita ko.

Pero hindi niya ako pinansin, mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Mas lalo kong niyakap si Anastasia at hinihintay pa ang reply ni Noah pero wala.

"Kuya, sabing hindi ito yung daan." pag-uulit ko.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na tawagan si Noah. Nilagay ko ang phone sa aking tainga at nag ring naman iyon.

Noah, please answer your damn phone!

Nakailang ring pa pero hindi talaga niya sinasagot. Tatawagan ko pa sana siya ulit ng mag labas ng baril ang lalaki na nakaupo sa passenger seat.

"Ibigay mo sa akin ang cellphone mo." utos niya ay itinutok sa amin ang baril.

Tinakpan ko ang mata ni Ana gamit ang kamay kong nakayakap sakanya at mas isiniksik pa siya sa akin.

"Sino ho ba kayo at bakit-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil kinasa niya ang baril.

Sa nanginginig kong kamay ay inilagay ko sa palad niyang nakaabang ang phone ko.

"Pati ang mga bag niyo ay ibigay niyo sa akin." utos pa niya.

"Ano bang kailangan niyo sa amin? Kung pera-"

"Ibigay niyo nalang!" hindi nanaman niya ako pinatapos.

Wala na rin akong nagawa at binigay ko ang bag ko. Tinanggal ko din ang bag ni Ana sakanya at ibibigay na sana nang may maalala ako.

"May kukunin lang ho ako." paalam ko. Ang isang kamay ko ay nakatakip pa rin sa mga mata ni Ana.

Kukunin ko pa lang sana ang inhaler ni Ana pero hinablot na niya sa akin iyon.

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon