Chapter 24

1.4K 47 15
                                    


Chapter 24

"Happy birthday, hon. I love you.." his wife greeted him again after a short message.

They kissed infront of everyone and really looks like a lovely couple. Does she know? Maybe she knew about the cheating, imposible kung hindi dahil asawa niya iyon.

"May I call Mr. Evan's immediate family for a picture?" the emcee said.

Isa-isang nag-akyatan sa stage ang kanyang mga anak. Dalawang lalaki at dalawang babae. Malalaki na naman lahat, ang bunso siguro ay nasa 18 years old na.

Humilera silang buong pamilya sa stage at ngiting ngiti na humarap sa camera. What a complete and happy family we have here. Nice view. I am also one of them, I am also a Soriano. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Nakakainggit.

Magiging ganyan pa kaya sila kasaya kung malaman nila ang tungkol sa akin?

Wala akong balak manggulo o sirain ang pamilya nila pero habang buhay nalang ba akong itatago? Habang buhay nalang ba ako ikakahiya ng mga magulang ko? Habang buhay na ba nila ako titiisin? Habang buhay nalang pa nila akong makikita bilang isang kasalanan nila?

It's their choice, not mine. It's their sin, not mine. If I only do have a choice, I want to live in a normal family where it could love me infinitely. Yung walang sabit, yung walang ganitong problema.

"It's really not a good decision that you came here and witness this." Aaliyah suddenly whispered beside me. "Here, wipe your tears." she added and handed me her handkerchief.

Hinawakan ko ang aking pisngi at umiiyak na pala ako. Tinanggap ko ang panyo niya at iyon ang aking ginamit. I felt Noah squeezed my hand that he's holding on top of my lap under the table.

"Okay lang ako, Aaliyah." sabi ko.

"Why did you suddenly change your mind?" she asked.

"I think I need to face him. Twenty five years is already enough. I can't wait for another twenty years or so." I seriously answered.

Nagulat ako ng makita ko rin siya dito kanina. Alam ko kasi ay hindi talaga siya pumupunta pag ganitong imbitasyon, pero ang paliwanag niya ay pinilit daw siya ni Liam kaya sumama nalang siya. Lahat ng kasama ko sa bar nung last time ay nandito pati na rin ang mga pamilya nila. Kaya sila ang kasama ko sa table, dalawang magkahiwalay na table kami kasi hindi naman kami kasya sa iba. Ang mga magulang naman nila ay sama sama.

Si Kuya Lucas ay hindi pa rin talaga pumunta. Ano kayang reaksyon non kapag sinabi kong pumunta ako?

Ang magulang naman nito ni Noah ay nandiyan lang din sa tabi tabi. Feeling ko tuloy hindi talaga ako dapat dito. Bukod sa hindi naman ako invited ay hindi ako bagay sa mundo nila.

"Magpapakilala ka sakanya?"

Tumango ako. "Kakausapin ko lang din. Pero wala akong balak magpakilala sa buong pamilya niya. Desisyon niya iyon."

"J-Just be careful, okay?" nag aalalang sambit nito.

Ngumiti ako sakanya. "I will."

Nagpatuloy ang selebrasyon at halos buong gabi ay sakanya lang ako nakatingin. Kung minsan ay pinapanood ko pa ang saya nilang pamilya. Kung paano kakilala ng mga tao dito ang kanyang nga anak at makikita mong ipinagmamalaki niya ang mga ito.

Hindi ako masyadong nakakain at medyo kinakausap ko naman sina Aaliyah. Wala lang talaga akong sa mood ngayon dahil iniisip ko kung magkakaroon ba ako ng pagkakataon na makausap siya.

"Ate!" biglang sumulpot sa bakanteng upuan sa tabi ko si Eira.

Actually, ngayon ay wala akong kasama dito sa table. Halos lahat sila ay may mga kinakausap at kasama ang mga pamilya nila, of course halos lahat ng nandito ay parte ng mga naglalakihang kompanya.

Beautiful Scar (CEO Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon