Isang litrato, isang liham;
Isang bagay na 'di mabura.
Mga bitak ng nakaraan,
Bakas na 'di naglaho pa.
Sa papel mo man iniukit,
O sa tubig mo isinulat,
Marka'y mananatili parin,
Na pilit mong iginigiit.
Masayang mga alaala,
Parang mga bituin sa kalangitan.
Nakaraang puno ng lumbay,
Na parang hagupit ng ulan.
Ito'y iyong natatandaan.
Ito'y gusto mong makalimutan,
Ngunit ito'y memorabilia,
Ng buo mong kasalukuyan.
Isang regalo, isang ngiti;
Isang bagay na mahalaga.
Ilaw ng iyong nakaraan,
Bakas na sa 'yo'y nagpasaya.
-©Exevia, April 10, 2014
BINABASA MO ANG
Compilation of Poems
PoetryPoems written from the bottom of my heart and from the hidden emotions within.