Ilang araw na nga ba ang lumipas o ilang buwan na ba kaya?
Simula nang magising at sa aking tabi ay ikaw ay wala na.
Wala sa sariling ipupunas ang palad sa mga basang pisngi.
Titingin sa salami't makikita ang isang mapait na ngiti.
Ipipikit ang mga mata hanggang sa biglang manariwa ulit;
Ang nadaramang sakit na tila ba'y 'sang walang katapusang pait.
Magpapakawala ng buntong hiningang kay lalim ng pinagmulan.
Pilit kakalmahin ang sarili't, iisiping lahat ay ayos lang.
Ngunit ang tagong pait at sakit sa mga mata'y masasalamin.
Ang nararamdamang hirap at pighati'y sa sarili'y di maamin.
Hanggang kailan nga ba kaya madarama ang damdaming ganito?
Ito ba ang parusa sa pusong nagmahal ng labis at totoo?
-May 6, 2015
BINABASA MO ANG
Compilation of Poems
PoetryPoems written from the bottom of my heart and from the hidden emotions within.