Ilang araw na nga ba ang matuling lumipas,
Nang sambitin salitang nagpawala ng lakas?
Ilang buwan na nga bang sayo'y nangungulila,
Yakap at tinig mo'y pilit ginugunita.Ngunit sa sandaling ito'y na sa'king harapan,
Malaya kong nakikita at napagmamasdan.
Biglang gumuhit isang ngiti sa iyong labi,
Mundo ko ay tila tumigil at napangiti.Ngunit napalitan ng pait ang nadarama,
Pumasok sa isip, iyon ay para sa kanya.
Puso ko ay tila nga ba biglang naparalisa,
Utak ko ay tila ba ayaw naring gumana.Ako nga ay bigla nalang tumayo at lumayo,
Ngunit sa huli'y napatingin, sumulyap sa'yo.
Bigla ay nagpang-abot ang ating mga paningin,
Mata mo'y nangungusap, may nais iparating.Kaagad ako ay nagbawi ng aking tingin,
Pagkat, kasiyaha'y nakita sa iyong paningin.
Tila'y biglang may bumara sa'king lalamunan,
Walang maapuhap na salita o anuman.Bago pa pumatak ang traydor kong mga luha,
Tumalikod at naglakad palayo sa kanya.
Ito lang ang alam ko sa nadarama ngayon,
Masaya sya ngayon, kesa sa piling ko noon.-July 22, 2014
BINABASA MO ANG
Compilation of Poems
PoetryPoems written from the bottom of my heart and from the hidden emotions within.