How About Now? [12]

303 5 1
                                    

Vinella's POV

Pagkatapos kong kunin ang order niya ay dumeretso na ako sa counter. May ilan pang nakapila kung kaya kailangan ko pang maghintay ng ilang sandali bago ko maibigay yung order namin.

Ang bold talaga kumilos ni Aisha. Akalaing sasabihan ng ganun si Zian. Ni hindi ko nga masabihan ng ganun ng harap harapan pero siya parang ang dali dali lang. Ano kayang iniisip ni Zian ngayon? Galit kaya siya sa akin?

Kasi gaya ng sinabi ni Aisha, hindi man lang daw siya nag-alinlangan at akala niya ako yung kausap niya, so does he think that I was the one who told him to fuck off? All the years na magkasama kami hindi pa ba niya memoryado ang boses ko? Okay, that felt like a punch to the gut. nasaktan ako ng kunti. No.. ng husto. Nasaktan ako ng husto. Kung bakit pa kasi kailangang humantong sa ganito.

Pero tama naman ang sinasabi ni Aisha. Kailangan kong magmove on. Life goes on at hindi ito titigil sa nakaraan para sa akin. Pero kasi hindi naman ganun kadali na pag sinabi mo, magagawa mo agad. Mayroon pa rin yung guilt kahit na hindi naman ako yung gumawa ng mali. Or am I the one to be blamed? Kung ibinigay ko na lang sana ang gusto niya... No. Mali.. Siya ang dapat sinisisi dito at hindi ako. Siya ang dapat na sisihin sa kinahinatnan ng relationship namin.

And if I give him another chance, would he make it all better? Hindi niya ba iyon sasayangin? Gather your senses Vinella, ilang beses ka na niyang pinagmukhang tanga huwag mo na siyang bigyan ng bragging rights na ipagmayabang na pinagmukha ka niyang tanga for the nth time.

"What's your order ma'am?" napatitig ako sa babaeng naggegesture sa akin na lumapit sa counter. Ilang hakbang pa ang layo ko dito at hindi ko na namalayang umalis na pala yung mga asa harapan ko kanina. Was I spacing out?

"Err, one mocha frappuccino, black coffee, strawberry shortcake and a couple of beignet."

"That would be 357 pesos ma'am."

"Okay.." kukunin ko na sana yung wallet ko sa bag nang makita kong may kamay na pumatong sa ibabaw ng counter.

"Paid." sabi nito at agad hinanap ng mga mata ko ang mukha nito. Hindi ko napigilang mapanganga nang dumapo ang mga mata ko sa kanya. Tinignan ko ang paligid at baka nakikita siya ni Aisha bago muling ibalik ang tingin sa kanya.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo dito?" I half whispered, half hissed at him.

"Buying you a snack? Masyado naman atang madami ang inorder mo at parang alam mong darating ako." umismid ito.

Yung mga banat niyang ganyan. Kahit na tunog mayabang, isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya dati pero ngayon parang nakakainis na nakakasuya lang. Umaarte siyang parang walang nangyari at ako pa rin yung dating Vinella na inaasar pero hindi magawang magalit sa kanya dahil sa pesteng salitang tinatawag na pagmamahal pero ngayon, ang kupal niya lang.

Bakit kailangan niyang ipakita na parang walang nangyaring gaguhan kahit na ang totoo ay binago nito ang lahat sa pagitan namin? But this seems to be all so twisted. Kahit na sabihin kong ayoko na, its as if something's tugging at my heart, pinching it when I look at him. Bakit may epekto pa rin siya sa akin? Hindi ba dapat wala na?? Hindi pa ba sapat na nasaktan ako? May pagkasadista ata ako at parang kumakapit pa rin ako sa gasinulid na pag-asang magiging okay ang lahat sa amin.

Yumuko ako at kukuhanin na sana ang wallet ko. "Babayaran kita and then you can go."

The least thing I want is magkaroroon ng utang na loob sa kanya kahit 357 pesos lang yan.

Mailalabas ko na sana pero naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. He held it firmly kaya napatigil ako.

Pucha. Ang sakit ng puso ko. Bakit bigla na naman tong bumilis?

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon