How About Now? [5]

300 4 0
                                    

Hindi na nagtagal ay umuwi na rin kami. Nagpaalam lang si Wella na babalik sa hospital. Talaga naman yun napakaworkaholic din minsan. Kaya siguro hindi na niya naaalagaan ang sarili niya dahil sobra siyang abala sa paglutas sa problema ng ibang tao.

Pagkapasok sa unit ay inihagis ko na lang yung bag ko sa sofa at tinanggal yung heels ko. Dineretso ko ang banyo at inihanda ang pampaligo ko. Mas gusto kong magbabad ngayon dahil napagod akong bantayan yung shop ng buong araw. Wala naman gaanong ginawa pero nakakabato pa rin kung andun ka lang at parang pinapanood mong magdaan ang buong araw sa harapan mo.

How I wish andito si Fidus. Pero kung iisipin ay pwede ko naman siyang puntahan sa penthouse niya sa kabilang building at hintayin ko na lang siyang dumating doon. Pero kasi tinatamad na akong mangapit bahay. Gusto ko lang sanang makatabi siya sa pagtulog habang nilalasap ko yung nakakaadik niyang amoy. Ano ba yan, lumalandi na naman ako. Parang teen ager lang ang peg?

Pagkatapos kong magbabad ay naupo ako sa dulo ng kama habang nagpupunas ng buhok. Natatandaan ko pa yung dati. Si Fidus yung nagpapatuyo ng buhok ko at kahit na ganung gesture lang ay kinikilig na ako noon. Ang sarap lang balikan nung mga nangyari four years ago. Siya lang yung nagpakilig sa akin ng ganun. As if naman may paghahambingan pa ako pero kasi siya yung lalaking matagal ko nang hinihiling. It's like he's made especially for me. Ang cheesy pero ganun ata pag in love? Kakainin mo lahat ng mga sinasabi mo nung single ka. Like, hindi totoo ang meant to be at maghihiwalay din ang mga yan. Kasi ang totoo, hinihintay mo yung oras na may kasama kang gagawa nung mga sweet moments na yun.

Shems, chumicheezy ako! I just smiled to myself at nagpunta na sa closet para kumuha ng maisusuot. Unang kumuha ng atensyon ko ay yung sinuot ko nitong valentine's day lang.

Pagkatapos nga nun eh inulan ako ng tanong nila Joy. Yun pala ang plano ng babaita sa damit pati na rin sa chocolate. Hay naku. Tanda ko pa yung ngiti niya, halos mahati na nga yung mukha niya eh. Parang kinikilig pa na ewan. Siya na. Siya na ang kinilig! Pakiramdam ko pinagsamantalahan ang pagkatao ko.

Huwag ka nga nagustuhan mo naman. Pati din ba ikaw pempem? Pinagkakaisahan niyo ako ng mga vital organs ko ha.

Kukuhanin ko na sana yung off the shoulder tee nang mahulog naman ito mula sa hanger. Asar lang pagpupulutin pa ako. So long story short ay lumuhod pa ako at kinapa kapa ko pa sa ilalim yung damit eh madilim pa naman. Ang dami kasing nakalagay. Naghalo halo na ata.

Nung makapa ko naman yung malambot na tela ay parang may nahawakan pa akong medyo madulas. Napabawi agad ako ng kamay. Yuck! May daga ba dito sa unit ko?

Tumayo ako at inihawi muna yung mga nakahanger sa taas at tumabi sandali para makita yung asa loob pero madilim pa rin. Nakakainis lang. Bumuntong hininga ako at pinigilan ko pa yung hininga ko baka kasi maamoy ko. Kadiri pa naman ang mga yun.

"Don't shriek Aisha." I told myself at nakapikit na kinapa kapa pa iyong baba ng closet and when I did, may naramdaman akong parang lubak lubak. "Don't tell me my termites na rin dito." Naiirita na ako at binawi ang kamay para tignan kung may grinded wood na dito pero wala naman. "Don't bite." I whispered. Yeah right as if maiintindihan ka nila.

I already used both my hands para matrace yung papag nung closet but I came to realize the sharp corners and edges. I clasped whatever that thing is na super slimy at parang lubak lubak at nung makita ko nga, I couldn't believe it myself.

"The spell book." I whispered with wide bulging eyes.

I traced my hands over it at ang slimy sa pakiramdam. Like parang nagproduce ito ng oil or some sorts na liquid. It was shiny compared from how I can remember it. Andun pa rin yung maliliit na carvings na inakala kong lubak. It smells old and stuff but still bearable.

"So I had you ever since?" I asked more to myself dahil imposible namang sumagot itong libro.

Pero akala ko inuwi ito ni Jillian after naming gawin yung orasyon four years ago? So asa akin lang ito all this time? Shucks. Kailangan ko itong ipakita kay Wella and make her do the ritual too. Baka kung sakali ay maibsan naman yung sakit na nararamdaman niya kung may makilala rin siyang katulad ni Fidus. Pero, of course who am I kidding? Wala siyang katulad no.

Pero, ano nga ba kasi? One ritual won't hurt right? I just have to find a suitable spell for her. Not Fidus' spell dahil akin lang yun. Okay? Am I just dreaming or I'm really seeing stuff?

Napatampal ako sa sarili ko dahil hindi ko maabsorb ang nakita ko. The book is somewhat glowing. Pero nung maramdaman ko namang sumampal yung palad ko sa pisngi ko ay nawala rin yung nakita kong liwanag.

"I knew it. Dapat talaga hinihinay hinay ko lang ang kape. I'm already seeing things." I shook my head na parang inaalis ko yung tama ng kape sa sistema ko.

Binuksan ko yung libro at nagulat na lang ako nang may makitang isang nakakasilaw na liwanag na lumabas.

"Holy..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang kumulog ng malakas at namatay ang lahat ng ilaw. Shit. I'm scared!

Bat hindi pa agad gumana ang generator nila dito?

Itinabi ko yung libro at sinubukang lakarin ang papunta sa sofa kung saan ko inihagis ang bag ko. Muntik na nga akong madapa dahil sumuyod ang paa ko sa ilalim ng makapal na furry carpet sa may mini table. Actually nadapa talaga ako dahil tatanga tanga naman kasi, alam nang madilim hindi na lang umiwas yung carpet.

I started shivering nung makaramdam ako ng hangin na para bang niyakap pa nito ang buo kong katawan. Nagsitaas na ata lahat ng balahibo ko sa buong katawan. Sinamahan pa kasi ang brown out eh. Oh chiz! Ang lamig! Nakalimutan ko bang isara yung pinto sa veranda?

Sinubukan kong kapakapain yung sofa at nakahinga naman ako ng maluwag nung maramdaman ko yung bag sa dulo. Inumpisahan kong kalkalin yung loob dahil wala talaga akong makita ni isang liwanag, as in everything's pitch black at nanginginig na ako sa takot.

"Thank God." I breathed nung mahawakan ko yung phone. I dialled 1 on speed dial.

"Wella pick up." I mumbled while feeling my hand quiver. I really hate darkness. It's like anytime mawawala na lang ako bigla ng walang makakapansin. I heard the slow rings hanggang sa magpatch through na yung tawag.

She's been on speed dial 1 dahil siya lagi ang tinatawagan ko. Not my mother nor my father and obviously not Fidus. I can say many reasons why she's on number 1 pero isa lang naman ang matinding rason, her humor vanquishes all my fears. At first, she'll scare the crap out of me but eventually when she knows that I'm almost in tears ay gagawa siya ng paraan para mapangiti ako. I don't know but she always find ways to make me smile. Ganyan siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa psychologist ba siya or in born trait niya na yan.

Nung akala ko ay magsasalita na siya ay mas lalo akong kinilabutan sa gushing sound sa kabilang linya. Parang yung tunog ng channel pag walang signal. My heart began producing jackhammer heartbeats and I can feel my heart on my throat.

It's really scaring the hell out of me. Nakataas na yung mga paa ko sa couch and I felt cold wind brush my face.

"Crap!" I squealed nung biglang kumulog ulit at magswitch on ang ilaw kasabay ng pagsulpot ng isang lalaking basang basa sa aking harapan.

(c) lyra_shin

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon