How About Now? [13]

287 3 0
                                    

Vinella's POV

I stared blankly at my reflection at the mirror of my press powder. Kakatapos ko lang magretouch ilang minuto pagkaalis ng huli kong pasyente. He was a man in his late forties na nagpapabalik balik rito kaya memoryado ko na ang mukha nito. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit siya nagpapabalik balik rito at kiniclaim na kailangan niya ng constant check up. At dahil doon kinailangan ko pang maghanap ng iba pang detalye tungkol sa kanya.

He was a director in his early years. Nagkamit ng ilang awards for his outstanding procedures and style in directing. Hindi ko maitatangging may itsura ito and probably he got all the woman in his field. Mga artista pa lang paniguradong hindi siya tinantanan. Up to now, halata pa rin ang kagandahang lalaki nito. He's still well built and strong. Ang pinagtatakahan ko lang ay ang unstableness ng pag-iisip niya.

Benjamin Diaz.. He's one interesting patient.

Muli akong napatitig sa repleksyon ko. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa aking sarili. Parang may kulang. Do I need more blush on my cheeks? Smokier eyes? Napailing ako habang naiisip ang isa na namang kabaliwang daragdag sa humahabang listahan ko. Dumapo ang mga mata ko sa aking bibig.

"Kailangan ko ng lip gloss." sabi ko sa aking sarili at kinuha ang huling kailangan para matapos ang professional yet alluring make up ko. Napangiti ako sa aking sarili sa huli kong naisip. Alluring. Since when did I became that?

I was about to swipe a kind amount of gloss to my lip when the door suddenly opened. Halos maibato ko sa likuran ko yung hawak kong lip gloss habang mabilis na sinusuksok sa drawer yung press powder sa kabila kong kamay. I pressed my lips tightly before I realize that it was just Rhea who was looking amused by what she saw.

"Ilabas mo na yang tawa mo." naiiling kong saad sa kanya pero napatakip na lang ito ng kamay sa bibig.

"Magugulatin po ata kayo ngayon?" nangingiting saad nito nang sa wakas ay makahinga ito ng malalim.

"Ano bang kailangan mo? Kumatok ka kahit isang beses lang bago pumasok." sabi ko.

Kinagat niya yung labi niya bago tumabi ng tayo sa poste ng pintuan. "Andito po kasi si Dr. Montreal." Actually hindi niya na kailangan i-announce ang pagdating niya dahil nakatayo na siya mismo sa bukana ng pintuan ng opisina ko.

"Thanks Rhea." Zian winked at her and she just giggled making her way back sa mesa niya sa labas.

Pinilit kong labanan ang kagustuhan kong iikot ang mata ko sa kanya pero hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang kabuuan. Ako lang ba o mas nagkaroon siya ng appeal sa akin? Posible palang mas magmukhang gwapo sa loob ng apat na oras? Mali. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Mali! Mali! Mali! Vinella! Mali!

Ugh. Kung pwede ko lang iuntog ang ulo ko sa pader kanina ko pa ginawa. Kaya lang ano na lang iisipin niya pag nakita niya akong ganun? Panigurado baka ikatuwa pa niyang makitang ganoon ang kalagayan ko at isipin pa niyang nagkakaganun ako dahil sa kanya.

I cleared my throat bago itulak ang sarili ko mula sa mesa at tumayo. Bakit ba kasi ako pumayag na makipagdinner sa kanya? Para ko na ring hinukay ang sarili kong libingan sa ginawa ko.

Ang tanga tanga ko na naman. Okay. Kailangan kong huminga ng malalim. This is just a simple dinner. Nothing more nothing less. Hindi ko kailangan mag-over react. Kailangan kong umarte na hindi ako naapektuhan ng.. ng... Pumungay ang aking mga mata sa naamoy ko.

Is that, is that the perfume I've always loved on him? Naglakad siya papalapit sa akin.

"Dyan ka lang!" pagbibigay ko ng diin habang turo ko siya. Tinaas niya ang kamay niya at inilagay sa likod ng kanyang ulo. He shot his brows up and gave me a closed mouth smile. Pakshet na pabango yan. Ano bang binabalak ng lalaking to? Lure me in and eat me for dinner? Pucha ka Vinella, kung ano ano iniisip mo.

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon