How About Now? [17]

248 4 0
                                    

Alisha's POV


Four thirty na nang magsidatingan ang mga bisita ni Nanay Roselinda. Nakahanda na yung mga mesa sa labas ng malawak nilang bakuran pati na rin yung videoke sa maliit na stage. Napapangiti na lang ako habang inaalala yung mga oras na nag-aagawan kami ng mikropono noong college life namin. Ang totoo, wala naman sa amin ang perpekto ang boses. Mga professional bathroom singers nga lang kami. Kaya naman natatawa ako kapag naiisip kong magkakaroon ng pacontest mamaya sa pataasan ng score sa videoke.

Isa lang naman daw ang technique eh, pataasan ng boses. Kaya ang balak ko eh isigaw na lang lahat ng lyrics mamaya pag ako na yung kakanta. Haha!

"Anong nginingiti ngiti mo dyan para kang timang." Napabawi ako ng tingin mula sa stage at nilingon si Wella. Kung wala lang dun ang nanay niya nabatukan ko na.

Ngumiti ako ng malapad at inakap si nanay Roselinda. "Happy Birthday po ulit nay." naramdaman ko pang i-pat nito ang likod. "Salamat hija." Bumitiw kami sa isa't isa at alangan akong napatngin sa magkabila ko dahil sa ekspresyon sa mukha ni nanay. "May hinahanap po ba kayo?" kunot noo kong tanong.

"Ah, hinahanap ko yung asawa mo. Hindi mo pa kasi dinadala dito eh." I felt my cheeks burn nung marinig ko yung sinabi niya. Asawa? Agad agad? Nakakalurkey naman. Kinikilig ako syet. Haha! 

Naramdaman kong may sumiko sa tagiliran ko at dun ko nakita ang makahulugang ngiti ni Joy habang may hawak na champagne. Pakunwari ko siyang sinungitan at inismidan lang ako nito.

"Happy birthday po." bati nito sa nanay ni Wella at nakipagbeso beso dito.

"Salamat mga hija sa pagpunta ha." malumanay nitong saad bago lumingon sa kanyang likuran. Napatingin rin kami doon at nakita ang ilang babaeng kasing edad nito na kumakaway sa kanya. "Ah sige, tinatawag na ako ng mga amiga ko. You girls have fun." sabi nito at sa huling pagkakataon ay nginitian kami.

"Ano na nang balita?" Tanong ni Ann na kakalapit lang sa amin. As usual andito na naman kami at nagkukumpul kumpol at pinagmimeetingan yung mga susunod naming gagawin. Walang pa rin talagang pinagbago.

"Look girls." sambit ni Joy. Sa tono pa lang ng boses niya alam ko na agad ang tinutukoy niya.

Sabay sabay kaming tatlo sa paglingon sa tinurong direksyon ni Joy at nakita roon ang ilang mga kalalakihan. Nakatayo sila sa may gilid ng halamanan ni nanay Roselinda. Napakunot na lang ang noo ko nang itaas ng isa sa kanila ang hawak nitong flute sa amin.

"Yeah, they're checking you out." I rolled my eyes at Joy. Since then kasi siya na ang eye candy ng mga lalaki. Kaya nga yan naging model eh. Sexy, matangkad, small nose, small forehead. Akala mo nagblush on, pero ang totoo mamula mula talaga ang pisngi niya. She has a baby face and that's that.

"Bruha, tayo ang tinitignan."

"You mean kayo ni Ann." I corrected at nakita ko na lang na magroll yung mata niya. Kapareha niya si Ann, yun nga lang Ann's a little bit shorter and tan. Pero all in all, cute.

"Ang kj mo porke hindi mo kasama si Fidus." matawa tawang saad ni Ann pero inilingan ko na lang.

"Oh, sinong sasama sa akin? Sa tingin ko kailangan nating magpainit." Binasa ni Joy ng labi at naiisip ko na kung ano mang tumatakbo sa isipan niya.

"My god Joy ano na namang binabalak mo?" sita ni Wella. "Fyi lang ha, mga pinsan ko yang pinagnanasahan mo."

"Relax ka nga Wella, hindi lang naman ako ang may pagnanasa eh." sabi pa nito at nakita kong magtwinkle ang mga mata nito. Naku Diyos ko. Ibang lalaki na naman ang tinatarget nito. Una mga co-models and now pati na rin mga pinsan ni Wella pinapatos. Hindi ko naman siya masisisi. She has something to flaunt.

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon