How About Now? [18]

197 5 0
                                    

Medyo adik ang update na to.. haha. You've been warned. xD

----

Vinella's POV

Napansin kong tinignan ako ni Aisha kanina. Siguro ay napansin niya ang mukha ni Tatay habang nagsasalita si Kuya Harry. Well, he never favored his choice of career. Dati siya ang favorite nito dahil matalino siya at laging nagtatop sa class niya. Pero hindi niya inaasahan ang pagtanggi nito na kumuha ng psychology nung college. Instead ay music ang inenroll niya. Hindi na nga nagtagumpay si Tatay na ipersuade si Kuya Bradley, hindi pa niya nagawang pasunurin ang pangalawa nitong anak kung kaya mas natuon ang inis nito dito dahil nasa Japan si Kuya Bradley at si Kuya Harry ang naiwan dito.

He loved music even before. Mayroon siyang talent doon. Pero laging sinasabi ni Tatay na wala siyang mararating sa pakanta kanta at pabanda banda lang. 'When you get too boring for your listeners' taste, they'll leave and act like they didn't know you', yan ang laging sinasaksak ni Tatay sa kukute ni Kuya Harry but he'll counter it with a straight face, without paying any attention. At pag kami na lang ang magkasama sa kwarto niya bigla na lang siyang tatawa.

"Ghin," he usually calls me, "...it's not about fame. It's always about what I feel when I'm on stage." ngingiti siya at pag tinitignan ko siya isa lang ang nakikita ko. Isang lalaking malaki ang pangarap. "The cheers, the smile on my listener's face. That gives me the boost to go on. Kaya ikaw, huwag kang makikinig sa matandang yun." he chuckled. "Follow what's in there." turo niya sa tapat ng puso ko bago niya guluhin ang buhok ko.

He always made sense but I can't give my father another dissapointment, so I tried to work hard. I tried to meet his expectations but it seemed to be not so damn enough for him. He expects more pagkatapos ng dalawang anak na hindi sumunod sa kagustuhan niya. Sometimes I wanted to tell him and ask him. Hindi ba ko pwedeng magpahinga kahit kaunti lang?

Looking at where my brother's heart got him, I felt a tinge of envy. Masaya siya sa ginagawa niya. Mahal niya ang ginagawa niya. At ngayon, unti unti na niyang naabot ang pangarap niya. Ang makilala ang banda nila sa buong Pilipinas. And now he's going for another target. 'After ECSTACY gets a hold of Philippines it's going to take over the world!', he used to tell me na tinatawanan ko lang lagi noon. Pero ngayon, nakikita na ng sarili kong mga mata na halos abot kamay na niya ang pangarap niya.

Habang ako, andito lang. I almost felt like a stagnant water. Hindi makagalaw, walang magawa at walang ibang pupuntahan.

I sighed, until I heard a loud beat. Parang sinasabayan nito ang puso ko. I was caught out of my reverie when I stared at the stage.

Teka, what are they doing here!? Napatayo ako bigla. Lahat na ng tao sa paligid ay nagkukumpulan sa harapan ng stage. Nakita ko pang nakikipagsiksikan si Joy para makasingit. Lahat ng babae, tumatalon at sumisigaw.

Napatingin ako kay Aisha. She's gulping another flute. Oh yeah hindi pala siya normal na tao. Hindi siya basta basta naeexcite sa isang bagay na wala siyang kinalaman.

"My brother is unbelievable." I shook my head in disbelief bago bumalik ng upo.

"Huh?" Aisha looked dazed. Parang hindi niya alam ang nangyayari. Tinamaan na kaya sa iniinum niya? Tsk, nakakadalawang flute pa lang naman siya....

Napakunot ang noo ko nang dumapo ang tingin ko sa ibabaw ng mesa.  "Oy kanino baso ang lahat ng to?" napatitig ako sa parang sampu na atang iba't ibang klaseng baso sa ibabaw ng inupuan naming mesa.

She hiccupped and gave me a naughty smile. "Sa akin." she grinned.

Napahawak ako sa ulo ko. "Lasengga ka talaga." kaya pala walang pakialam sa ECSTACY na nagcoconcert sa harapan namin dahil abalang tumutungga ang bata.

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon