How About Now? [14]

290 4 0
                                    

Vinella's POV


Napasinghap ako habang nakatitig sa pinagdalhan sa akin ni Zian. A five star restaurant with luxurious vibe at anywhere I turn my eyes to.

"Let's go?" sabi sa akin ni Zian at muntik na akong mapatalon nang makaramdam ako ng kuryente mula sa kamay niya nang idapo niya ito sa aking likuran. Pinilit kong ibaling sa iba ang atensyon ko. Ano bang mayroon sa human anatomy at sa koneksyon niya sa circulatory system?

I shook my head. Hindi ito ang panahon para maging technical sa mga bagay bagay. Inalalayan niya ako papunta sa mesa namin at tinulungang hubarin ang blazer ko. Pinaghilahan niya pa ako ng upuan bago umupo sa katapat na silya. Pero yung bag ko, iniwan niya sa kotse niya. Langya.

Kasali ba yun sa plano niya? Para hindi ako makatakas?

"Good evening ma'am, sir. May I get your orders?" tanong ng dumating na waiter at napatitig naman ako sa menu. I smirked at my brilliant plan.

"I'll have your most expensive dish and uhm, I would like to have a taste of your finest wine." Tumingin ako kay Zian. "Anong sayo?"

Ngumiti ito. "That's two for both of us." My face fell.

Pisti. Ganun na ba siya kayaman?

Pagkatapos ulitin nung waiter ang mga order namin ay yumuko ito at umalis.

"So, kakain lang ba tayo?" tanong ko. Nakapatong ang ulo niya sa likod ng magkahawak niyang kamay sa ibabaw ng mesa. Nakatingin siya sa akin.

"It's up to you if you want us to go further." and where does he think he's going with that?

I smirked. "Might as well put your last shot to use." he gave me a knowing smile before leaning back nung dumating yung waiter hawak ang bote ng wine.

Pinagsalinan niya kaming dalawa bago muling umalis.

Bahagyang hinawakan ni Zian ang kupita niya bago ito ilapit sa akin. He inclined his head sending a message that I should get my hand around my own wineglass. I imitated what he did with his and we clinked glasses.

I was about to tip my head back to take a good sip with the wine until I locked my eyes on him. He was profusely gazing down on that red bloody wine which shone the sparkly luminosities of the chandelier above us. I followed at how he dip his nose slightly at the rim of the glass and close his eyes as he take a breathe of the liquid.

I crossed my legs as I struggle to restrain of the sensuality I'm feeling under the pit of my stomach. Pakshet. Why do he have to be sensually alluring?

He tipped his head back and took a small sip of the wine. Rolling it inside of his mouth, enticing his taste buds, until he swallowed and I watched at how his adams apple bob up and down at his action.

"This is good." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa realization na kanina pa ako nakatitig sa kanya, pinapanood ang bawat galaw niya na parang isang perverted lunatic. Pucha lang, bat na naman ba ako nagkakaganito??

Binawi ko agad ang tingin ko at nagpatuloy sa pag-inum ng wine hanggang sa maubos ko ang laman ng baso. I downed it quickly, wala akong pakialam kung anong isipin niya sa akin as I haughtily set the glass back to the table.

"Yeah it's good." I nodded before leaning to the arm of my chair.

"Ngayong andito tayo, walang ibang kasama. Iniisip kong baka ngayon pwede ka nang makapag-isip ng maayos, tungkol sa hinihingi kong second chance."

"Tss." napangiti ako habang iniiling ang ulo ko. "Anong sinasabi mong second chance? As I can remember it, I've given you all the chances in the world. I've waited for you to come into your senses and realize your bullshit."

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon