How About Now? [16]

252 4 0
                                    

Alisha's POV


Habang humihikab, kinusot ko ang mga mata ko bago sumandal sa isa kong siko. Pilit kong inaninag ang lugar at nakita ang isang lalaking nakagray suit sa aking harapan. He's looking fine and mighty while assembling his cufflinks. Napangiti ako at tuluyan nang umupo habang nakatakip pa rin sa kalahati ng aking katawan ang kumot.

"Hey." I whispered and he glanced my way. A tug of smile immediately became visible at his thin lips.

"Hey beautiful." bati nito at naupo sa gilid ng kama. He leant forward for a peck and I tried to suppress a giggle. Lumayo siya at naramdaman kong ipatong niya ang kamay sa may tuhod ko.

"Bat ang aga mo?" tanong ko at napatingin sa digital clock sa tabi ng kama. "Mag-ala sais pa lang ng umaga."

"Mayroon lang akong kailangang gawin sa opisina." sabi nito.

"Nang ganito kaaga? Please return to bed." Ani ko at mahinang hinila ang sleeve ng suit nito.

Naramdaman kong hawiin nito ang buhok mula sa aking mukha at ilagay ito sa likod ng aking tenga. "I would love to." Napangiti ako. I saw the soft strokes of his face and the glint on his eyes while looking at me.

"Well, come on." hinila ko pa siyang muli. Napangiti siya habang umiiling.

"I can't, I have something important to do." I pouted.

"More important than me?" He smirked.

"You know there's nothing more important than you."

"Then come back to bed." I pouted even more.

"Don't do that." he furrowed his brows.

"What?"

"Your lips." he exhaled, his gaze fixed on my mouth.

"What about.." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay sinunggaban niya na agad ako at hinalikan. I closed my eyes and smiled to myself. Aisha-1 Fidus-0

He pulled off but I can still feel his lips grazing on mine. "Now, don't think that I don't know what your doing." He pressed his lips to mine once more before cupping my face with his big hands. Naramdaman kong humiwalay siya at magkadikit ang mga noo namin. I was inhaling his breath fresh from mouthwash. This guy is so addicting. "But I really need to go." he mumbled before giving me one last peck on the lips.

Binuksan ko na ang mga mata ko at nakita siyang nakatayo habang inaayos yung necktie niya. I shove my covers off and stood on top of the bed, me towering Fidus. Kinuha ko ang necktie niya at ako na ang nag-ayos.

"You'll make a perfect wife." He smiled and I don't know why my heart paced even faster.

Pbb teens lang? Lagi naman kaming nagkakasama, we're so intimate with each other we almost have sex as a hobby. So much for telling him na sa honeymoon na lang kami ulit maglabing labing. But at least kinaya pa rin niya yung seven months of pure companionship namin. Without even complaining. Nung valentine's lang talaga siya hindi nakatiis sa alindog ko. Haha!

Pero alam kong hindi lang basta sex ang ginagawa namin. We do it because we love each other. We feel safe around each others arms. Basta ako, I'd only do it with my man. Siya lang ang lalaking pinagbigyan ko ng katawan ko, siya lang ang kaisa isang lalaking minahal ko ng ganito. Siya lang ang first and last ko.

Kahit na lagi ko siyang nakakatabi, nakakausap, nakakasama, hindi ko pa rin maiwasang kiligin sa kanya. Yung mga simpleng ganun lang niya pakiramdam ko tumataba ang puso ko. Pakiramdam ko mas lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. At ngayon, apat na buwan na lang ang kailangan naming hintayin upang patunayan na hindi lang kami sa kama magkapanabay kundi sa buong buhay namin. Together forever! 
"May gagawin ka ba ngayon? Makikipagkita ka sa mga kaibigan mo?" tanong nito sa akin at napatango na lang ako.

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon