How About Now? [4]

541 6 0
                                    

"Anong meron sayo at kung makangiti ka dyan parang talo mo pa tumama sa lotto?" Tanong ni Wella. Nagbuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa bulaklak sa kanyang may likuran. Mga white with orange primming na daffodils na nakalagay sa maliit na basket nung may-ari ng bisekleta. 

Napansin ko namang tumingin din doon si Wella bago muling bumalik sa akin. "Ano na naman yang tinitignan mo babe." tanong nito at sinagot ko siya ng hindi man nililipat ang tingin ko sa mga bulaklak.

"Ang ganda lang kasi nung mga bulaklak." nagbuntong hininga ulit ako at kinuha yung caramel coffee sabay inum ng unti. 

"Huwag mong sabihing naglilihi ka!" agad akong nanumbalik sa kinaroroonan namin at napatingin bigla sa paligid ng coffee shop. 

Binato ko siya ng toast at pinagsabihan. 

"Yang bibig mo nga. Andito tayo sa public place oh." sabi ko at nilingon lingon naman niya ang paligid. 

"Wala kayang tao dito sa labas. Saka hapon na oh." nangibit balikat siya pagkatapos. Kahit naman kasi hapon may tumatambay pa rin dito minsan tulad na lang namin. Ito kasing coffee shop na to yung madalas naming pinupuntahan pag tapos na siya sa trabaho dahil malapit lang.

"Kahit na nakakahiya pa rin." I scolded at naglean lang naman siya sa mesa at tinitigan ako ng makahulugan.

"Huwag mong sabihing buntis ka nga?"  bulong niya pero may halo pa ring diin. Humiwalay naman ako mula sa pagkakapatong ng ulo ko sa aking kamay at tinignan siya na para bang nababaliw na siya. 

"Anong pinagsasabi mo? Hindi ah." depensa ko. Hindi naman talaga eh. 

"Gumagamit ba kayo ng protection?" bulong niya sa akin at mas nanlaki yung mga mata ko. She pursed her lips and gave me a dead look."Sapat na yung itsura mo para sagutin yung tanong ko." 

"Aray!" inda ko nung bigla niya akong batukan out of nowhere. "Para san naman yun!?" tanong ko habang hinihilot yung binatukan niya. 

"Shunga ka! Excited ka lang magpabuntis?" she narrowed her eyes on me at hindi ko mapigilan kundi ang mapayuko na lang. 

Sa amin kasing lima itong si Wella na ang pinakamalapit sa akin at madali niyang nalalaman ang mga bagay bagay isang tingin niya lang sa akin. Siya rin ang pinakamay sense kausap sa mga ganito kaya naman nakakaramdam pa rin ako ng pang of guilt. 

Pero kahit naman na ganun, I don't regret giving my soul to Fidus because I love him, and one more thing is we're going to be married. Nauna nga lang yung honeymoon. 

"Wella naman." nagpaawa ako. Oo sinubukan kong magpaawa pero wa epek dahil binatukan na naman ako. "Wella, tama na, nakakadalawa ka na eh." sabi ko at tuluyan ng nilayo ang upuan ko para hindi niya ako maabot. Magkatapat nga lang kami dito at take note asa labas ng cafe. Baka may mapadaan at ipadampot na lang bigla itong kaibigan ko dahil sumachild abuse na siya. 

"Ikaw naman kasi Aisha. Hindi pa kayo kasal. Lumalantod ka na. Yun ngang mga kasal na eh naghihiwalay pa rin kayo pa kaya?" she toned down her voice na para bang ayaw niyang may makarinig. Yeah right. After niyang ipagsigawang buntis ako kahit hindi naman. 

"Ano ba? I know it's him. And I'm sure about us. Kami na talaga sa huli." I played with the hem of the table mantle as I kept my head down. 

Hindi ko naman kasi masisi si Wella, napakarealitic niya kasing tao habang ako ay pilit na naniniwala sa fairy tales at happy endings. Gusto ko din namang panatilihin ang isip ko sa mga realistokong bagay pero kasi, nararamdaman ko talagang kami na. We share something special, Fidus and I. We create magic together. 

"Ako Aisha, tigilan mo dyan sa happily ever after mong concept ha. There's no forever." wika pa niya at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya ng deretso. 

How About Now? [HSGBF2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon