CHAPTER 10
BRIDGE
Iris' POV
Royce surprised me a lot. Kung anong hiya niya sa personal ay kabaliktaran naman pagdating sa pagte-text. He introduced himself and started sending me messages all the time. Paggising ko pa lang, may good morning na agad na bunga. Before going to school, at school and even after school, wala siyang palya. Hanggang pagtulog ko nga, nangangamusta pa rin siya o 'di kaya ay kinukulit niya ako.
From: Royce
6:15 am
Good morning, Iris.
Don't forget to eat your breakfast! :)
To: Royce
6:25 am
Good morning din. :)
At first I got annoyed. Palaging late ang mga reply ko at maiikli pa. I made it clear from the start that I'm not interested for anything other than being friends and surprisingly, he said he was okay with that. Wala naman daw masamang magusap kami palagi kaya hindi pa rin siya tumitigil. Hanggang sa nakasanayan ko na at natatawa na lang ako tuwing nababasa ko ang mga random topic niya, just to keep the conversation going.
Medyo boring kasi akong ka-text. Hindi ako pala-kwento kaya bilib ako dahil hindi siya nauubusan ng ideas upang mag-reply ako.
He's a good distraction. Aaaminin ko, nakatutulong siya upang hindi ko hanap-hanapin si David. Instead of going to internet again to find that guy, I directed my focus on Royce.
He's not so bad and I could feel that he really adores me. Nakakatuwa ng kaunti dahil kahit tatahi-tahimik ako ay may nakakapansin pa rin pala sa akin.
"Look at him," Ava mumbled. I followed her gaze and saw Royce looking at me from afar. Ilang tables din ang layo naming dalawa. When our eyes met, he immediately pretended not to see me. Tumingin siya sa phone niya pagkatapos ay nakipagusap na sa mga kaibigan niya. I couldn't help but chuckle. "Pathetic. You guys have been talking for weeks pero wala pa rin siyang lakas ng loob lapitan ka," Ava commented with annoyance in her voice.
Royce and I don't talk in person. Talagang nahihiya pa siyang lapitan ako. Also, we're both busy. Palagi siyang may training habang ako naman ay tutok sa pagaaral ko. Tuwing nagkikita kami dito sa campus, he usually walks away.
"Okay nga 'yon e. Ang awkward kaya kapag lumapit siya."
"Uh really, Iris? So ano 'tong ginagawa niyo? Lokohan?" Naomi asked.
"Landian," pag-correct ni Kiel.
"Harutan," Rios added.
I rolled my eyes and continued eating my lunch. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng dumating si Zin na pawis na pawis.
"Oh saan ka galing at ganyan itsura mo?" Evan asked.
"Anong saan? Kanino galing kamo." Zin smirked.
"OWWWW SH*T! MAY NABOLA! HAHAHA!" Nagingay ang mga boys kaya pinagtinginan kami ng mga tao. When they laugh, there is no way it'll be discreet. As in ipaparinig nila sa lahat.
"Ang eskandaloso niyo talaga," yamot na sambit ni Tiffany sabay hagis ng tissue sa kanila. Sila Ava at Naomi tumawa lang naman.
"Pwede ba Zin, umalis ka na lang dito kung panay kababuyan ang sasabihin mo," Caylee added. "Nasa school, manlalandi. What the heck? Are you sure you're an Elite?"
BINABASA MO ANG
Torn in Two (Elite Girls 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Paris must really be the City of Love for Iris to fall for a guy she only met at the museum. After spending a day with this stranger, she suddenly had to go back to the Philippines and leave the fantasy she thought she could h...