CHAPTER 11
Run Away
Iris' POV
"Ang aga gumising! Anong meron?" tanong ni ate Irene nang makita niya akong nagpupusod ng buhok. I left my bedroom door open since patapos na rin naman ako.
"Mag-jogging lang," I replied. I usually run every morning on weekends to lose some weight. Matakaw kasi talaga akong kumain at para hindi tumaba ay nage-exercise ako ng kaunti sa bahay then tumatakbo ako tuwing sabado at linggo. Also, I'm up for a healthy living.
"Akala ko may ka-date ka," asar niya.
"Wearing running clothes? Funny." I rolled my eyes and she chuckled. Naka-track suit kasi ako at walang kahit na anong make-up sa mukha.
"Saan ka tatakbo? Dito lang ba sa loob ng subdivision?"
"No. I'm going to Ava's place."
"Oh okay. I'm going out with friends, prolly gonna be home late." Iniwan na ako ni Ate kaya naman inayos ko na ang maliit na bag ko. I'm only bringing a face towel, extra shirt and bra, then a tumbler. Hinablot ko na rin ang cellphone kong kakatapos lang mag-charge before quickly leaving the house.
Pagdating sa subdivision nila Ava ay napangiti na ako. It's just 5:20 in the morning, saktong-sakto na pasikat pa lang ang araw. I really like running when it's cold.
"Morning po," bati ko sa isa sa mga katulong nila Ava.
"Morning Ma'am." She smiled. I went upstairs and to my surprise, pagpasok ko ng kwarto ni Ava ay ang himbing pa ng tulog niya. Hay nako! No wonder she's not answering my text messages.
"Huy! Ano na?" pangungulit ko, sitting at the bed.
"Go away!" she complained.
"Napaka nito! Ikaw pa nagyaya kahapon na sasama ka tapos ayaw mong bumangon diyan."
"Napuyat kasi ako sa series na pinapanuod ko," she whined.
"Get up and I'll wait for you. Ten minutes should do." Ava just groaned and even pulled the duvet covers of her bed to hide her face. Pinalo-palo ko siya ng unan pero halatang wala siyang balak tumayo.
"Ugh, kainis 'to! Sana hindi na 'ko nag-drive papunta dito para tumakbo."
"Samahan na lang kita mag-breakfast mamaya," pagtawa niya.
I sighed and stood up. "Fine. Leche ka."
Umiling na lang ako at lumabas na ulit. I started warming up for a few minutes, stretch stretch lang para hindi mabigla ang katawan ko then I went for a walk. Habang naglalakad ay naglagay ako ng earphones sa tenga para hindi ako ma-bored. Gusto kong nakikinig ng music tuwing tumatakbo ako.
When I felt that my body's now alive, I began jogging. I saw the sun slowly greeting me.
Ganito rin kaya ang ginagawa ni David sa umaga? Mahilig din kaya siyang tumakbo?
BINABASA MO ANG
Torn in Two (Elite Girls 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Paris must really be the City of Love for Iris to fall for a guy she only met at the museum. After spending a day with this stranger, she suddenly had to go back to the Philippines and leave the fantasy she thought she could h...