CHAPTER 42 -- RUMORS FLY

82 5 0
                                    

KC’S POV~

Pagkapasok ko sa Evergreen campus, nanibago ako..

Ewan kung ako lang ba or parang halos lahat ng madaanan ko eh tinititigan ako?

“Coleen!”

“Lyle. Buti nalang nakita kita. Ang awkward ng atmosphere ngayon eh”

tas parang hindi sya mapakali at palingon-lingon.

“hoy. Lyle? Anyare sayo? Teka, naghahanap ka na naman ng kuting? Hoy kakabati nyo lang ni Jane. Wag mong painitin ulo ko”

Tas tumingin sya sa akin tas ginaya ako palakad na papuntang building namin.

“a-ano kasi ahm..”

“sya ba yun?? May itsura din naman pero hindi sila bagay.” – girl1

“oo nga , grabe. Akala ko puro academics lang sya, lumalandi rin pala. Two-timer pa talaga” – girl 2

Teka? Nakatingin ba sila sa akin?

Napatingin naman ako kay Lyle at kumunot ang noo nya, siguro narinig din nya.

Nagugulahan na ako ha.

“ano yung nagkumpulan don? My announcement?” tanong ko kay Lyle pero hinarang nya ako.

Ang weird nya ngayon

“ahm wala ano lang a-ah eh rules and regulations ng bagong dean.” Sabi nya tas napakamot sa ulo

“ahh ganun? Tara tingnan nat---“

“NO!.. a-ahh I mean.. mamaya na marami pang tao eh. Punta kana sa room mo. Tara samahan kita”

May nahahalata na ako ha..

“Lyle? Magsabi ka ng totoo? Anong nangyayari? Ang weirdo ng kilos mo ha? An—“

“Kc.. okay ka lang?” biglang sumulpot si Jane na parang hinihingal pa.

“ha? A-ah oo.”

“haay. Buti naman. Basta wag mo lang silang pansinin ha? Wala silang alam kaya hayaan mo na, okay?”

Seriously.. hindi ko sila maintindihan.

“ano bang sinasabi mo? Hindi ko talaga kayo magets ni Lyle. Kanina pa kayo ganyan.”

“Kc..” napalingon naman ako sa kung sino ang tumawag sa akin.

Oh? Eeh ba’t napunta sa building nato si Gus?

“Gus? Ba’t ka nandito?”

“may alam kabang taong may galit sayo?” tanong nya

“ha? Wala naman bakit?”

Tas may inihayag syang papel na may printed picture nang..

O_O

“s-sinong kumuha nito?”

“I don’t know either. Pero kalat na to sa buong school at s-sinasabing a-ano..ahm girlfriend daw kita at tiutwo-wime mo raw ako kay Angelo.”

Napanganga nalang ako sa nalaman ko.

Ito pala ang dahilan kung bakit panay tingin sa akin ang mga tao at may natanggap pa akong glares mula sa ibang mga babae.

May dalawang picture na pinagtabi. Sa left side yung sa isang picture na kayakap ko si Gushindi ko alam kung kalian yun pero siguradong kinocomfort ako nito ni Gus, hindi naman kasi to basta-basta mangyayakap eh ..yung sa right kami ni Louie, nakaholding hands. Sigurod akong nung birthday ko yun kasi yung background ng pic ay malapit sa boutique ni Thea.

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon