CHAPTER 29 --- MEET CN AND HER GF??

124 7 1
                                    

(**a/n: mahal kong mga readers.. hehe nag.bongga na ako ng updates ngayong gabi kasi baka hindi na ako maka-ud next week, busy sa school eh. student life you know hehe :)) love you guys.. enjoy and continue reading :))**)

Napadaan ako sa national bookstore at naisipan kong libro nalang ang iregalo ko sa kanya. Mahilig din naman yung magbasa

Nalilito na ako sa dami ng librong nakita ko pagkapasok ko palang.

Ghad. Nakakahilo -_-

"okay. Kung anong unang makita ko pagdilat ng mata ko, yun ang bibilhin ko." sabi ko sa sarili ko tas pumikit.

1

2

3

*dilat

"yun!" tas inabot ko yung book na hindi masyadong makapal sakto lang.

And when I read the title-----

"BESTFRIENDS"

Wow.

Just wow.

Pinapatamaan talaga ako ??

Oo na. sige na. bestfriends lang kami. Sige tanggap ko na . wag nang ipamukha :(

"miss umiiyak ka ba?" hinawakan ko ang pisngi ko. hindi ko namalayang umiiyak pala ako. Ang drama.

"a-ahh wala to. Salam---CN?? O_O " whoah~ ngayon ko lang ulit sya nakita after ilang taon.

"K-kate?" medyo surprised din sya. Then niyakap nya ako ng mahigpit. Kahit nung bata pa kami, Kate na talaga tawag nya sa akin. Ewan ko ba. Kompleto na nga eh, si CN, Kate ang tawag sa akin. Si Lyle, Coleen ang tawag. At maraming tumatawag sa akin ng KC.

Well anyway, medyo close rin naman kami nitong pinsan kong si CN. Pati kami ni ate Fluorine.

"waah, kumusta?" sabi ko matapos bumitaw sa yakap, pero hindi sya sumagot tas may tiningnan sya sa labas then ngumiti lang sa akin tas hinila ako palabas ng bookstore.

"hoy teka. Babayaran ko muna to." Ayun nga binili ko na yung book na may title'ng 'BESTFRIENDS' tas inilagay ko na agad sa sling bag na dala ko.

"done?" tanong nya.

"oo. Teka nga nagkukumustahan pa kaya tayo, tas bigla ka nlang manghihila. San ba kasi tayo pupunta? Tsaka kasama mo ba si ate Fluorine? Excited na nga ako bukas sa mini reunion natin eh ^_^" huminga sya ng malalim tas inilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

"okay Kate. Later nayan. Kailangan mo munang umarte. I need your help. sandali lang to."

I was like..

"ha?"

"aish. Basta sumabay ka nalang okay?." Tas hinila na naman nya ako papunta sa isang store na puro heels ang display.

Then may nilapitan syang.. fudge!! O_O

"L-louie??" halatang nagulat din si Louie.

"Kc. anong (tingin kay CN)(tingin sakin) ginagawa mo dito?" hindi ko nga rin alam eh. Pero ang cool parin nya *_*

"C-CN?" sabi nung babaeng katabi ni Louie. Teka magkasama ba sila? O_O

"oh. It's you Marie. What a coincidence." Sabi ni CN.

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon