CHAPTER 28 - THE NEWS

89 8 0
                                    

(**a/n: hi guys ngayon lang ulit naka-update kasi naging busy sa exam namin na na-postponed na naman. ang galing talaga. anyways, salamat sa lahat ng nag-greet sa akin. i appreciate it much <3 .. nadagdagan na naman ang taon sa buhay ko, salamat Lord. .. oo na, eto na.. enjoy sa another chapter ng imagination ko. hehe :)) ** )

KC’S POV~

Lumipas na ang pasko at bagong taon at natapos na kami sa second year namin bilang college students.

hindi nakauwi ang mga magulang namin ni Jane kaya sabay na kaming magbarkada na nagcelebrate ng pasko at bagong taon. Tumawag lang si mama at papa sa akin para mangumusta at bumati. Miss ko na nga sila eh.

Ang bilis ng panahon at wala naman masyadong nangyari sa mga buwang nagdaan.

Ganun parin, si Jane at Lyle getting stronger ang relationship at kakatapos lang nilang magcelebrate ng 9th monthsary nila.

Si Claudine, mukhang wala nang problema, siguro naayos na nila ni Aki.

At nagkukulitan parin sina Xenon at April.

Si August naman nanliligaw parin kahit wala akong sinabi kasi daw inulit na naman nya sa akin na kahit pumayag ako o hindi na ligawan nya ako, manliligaw at manliligaw parin daw sya sa akin hanggang mapa-oo nya raw ako.

Ang sweet rin nya at as usual ang bait. Sana talaga mas nauna ko syang nakilala kaysa kay –

Haaay.

Oo, nagdaan na ang pasko pati new year pero wala paring nagbago sa nararamdaman ko para kay Louie.

Si Louie, may nagbago sa kanya. Parang lumalayo na sya sa akin at minsan lang akong kinakausap at yung important matters lang.

Hindi gaya nung dati na, makikipag-asaran at makikipagbarahan sa akin.

Pero kahit ganun, naramdaman ko parin na importante ako sa kanya bilang bestfriend nya.

At sa mga araw na umiiwas sya, isa lang ang araw na hindi ko nakalimutan, yung araw na bigla nalng nya akong niyakap ng mahigpit.

*SHORT FLASHBACK

(a day in January)

Pauwi na ako sa apartment since tapos na lahat ang subjects ko ngayong araw.

Naglalakad ako sa sidewalk nang may motorbike na huminto sa gilid.

Si Louie.

“gusto mong sumabay?” tanong nya. Himala yata.

Act normal parin.

Kunyari gaya lang nung dati.

“tinatanong pa ba yan :P oo syempre para libre^_^v”

Tintigan nya lang ako.

Awkward =__=

Ngiting-ngiti ako dito tas siya poker face lang.

Kung ang Louie dati ang kaharap ko sasabihin na nyang..

“ang dami mong satsat rabbit, sumakay ka na nga.”

Ganun yun eh. Pero sya tumitig lang talaga.

“tara.” Yan lang ang sabi nya.

Umangkas nalang ako at hindi na-imik.

Nang makarating na kami sa tapat ng apartment ko.

Bumaba na ako tas tinanggal yung helmet.

“oh.. salamat sa libreng sakay ^__^” tas inabot ko na yung helmet.

Kinuha nya tas nilagay sa manebela ng motor tas..

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon