CHAPTER 46- WHEN HE'S JEALOUS

73 5 0
                                    

KC’S POV~

Kasama ko si Gus ngayon dito sa Cafeteria.. gusto ko siyang i-libre kasi gusto kong magpasalamat sa kanya sa pagcomfort sa akin.

Eto lang naman ang kaya kong gawin para sa kanya eh.

“wag mo na nga kasi akong ilibre. Okay lang talaga yun eh. Tsaka kaibigan naman tayo kaya normal lang na i-comfort kita kapag nakita kitang umiiyak tsaka hind---“

“hep! Tigil na Gus. Akong bahala. No problem okay?”

Tas narinig ko nalang syang nagbuntong hininga.

“Gus.. gusto ko lang talagang makabawi sa lahat ng kabutihan mo eh. At alam kong ito lang ang kaya kong isukli sayo..” sabi ko habang nakayuko lang..

He lifted my chin kaya napatingin ako sa mga mata nya.

Puno ito ng emosyon pero may isang nangibabaw sa lahat. At yun ay lungkot.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapawi ang lungkot nayun.

“naiintindihan ko, okay? No need to explain any further. Tsaka ano na bang o-orderin natin?” tas binitawan na nya ang chin ko tas tumingin na dun sa menu board ng store..

“hmm.. kailangan kong piliin yung mahal kasi minsan lang tong manlibre eh.. alin kaya?” narinig kong sabi nya kaya pinalo ko sya sa likuran malapit sa balikat nya.

“aray. Para san yun?” tanong nya tas hinimas himas pa yung malapit sa balikat nya.

“loko ka eh.. kala mo naman hindi ko narinig yung sinabi mo. Iwan kita dyan eh.”

Tas napatawa nalang ako ng mahina. Pagtingin ko ulit sa kanya, nakangiti syang nakatitig sa akin.

Napaiwas nalang tuloy ako ng tingin.

“bat ganyan ka makatingin?”

“wala lang. minsan nalang kasi kitang makitang tumawa eh. And your laugh melts me.”

Awkward =_=

Pakurap-kurap lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin.

Hanggang sa narinig ko nalang syang tumawa.

“sana may dala akong camera ngayon. Hahaha you should’ve seen your face. Pfft..It’s priceless hahaha!”

Asar! >,<

Napatakip nalang ako sa mukha ko..

“kainis to oh..” tawa parin sya ng tawa

Then suddenly he patted my head and said..

“priceless but cute”

Shemay! Mas lalo ko pang tinakpan ang mukha ko this time..

Hindi dahil sa hiya kundi baka magblush pa ako dun sa sinabi nya at ayokong makita nya.

Keneleg eke.

“maam, sir anong order?”

Natigil nalang kami sa pagkukulitan ng turn napala naming umoder.

Haays. Grabi lang.

Si Gus nga yata nagustuhan ko kung hindi lang nauna si Louie..

---

THIRD PERSON’S POV~

Nagpunta si Angelo sa locker nya para maglagay ng libro nya.

Pagbukas nya sa pinto ng locker nya, agad namang nahulog ang isang envelope.

Inilagay nya muna ang mga libro nya saka pinulot yung envelope.

Nakasulat sa envelope ang mga salitang,

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon