CHAPTER 35 --- NEW COMER

82 6 1
                                    

(**a/n: naka-update rin si author.read and enjoy guys..**)

ANGELO’S POV~

Ayy grabi naman. Last week ng May enrolment tas first week of June start na agad ng klase. Tsk last year nga halos third week na ng June nagsimula eh.

At eto nga. First day in School as a third year college student. Two years nalang graduate na ako sa course nato.

“Mr. Ramirez may I have a word with you?” tawag sa akin ni Mrs. Ignacio, ang adviser ng student Council this year.

“yes maam.” Tas sumunod ako sa office nya.

Grabi lang talaga, hindi pa nga ako nakakapasok ng first subject parang may utos na agad.

Ni hindi ko pa nga nakikita yung mahal kong Rabbit pam buenas na agad tong si maam.

Nakarating na kami sa office ni maam. Pinaupo nya ako sa chair.

“Mr. Ramirez, kaya kita pinatawag rito kasi, ikaw ang napili kong candidate para maging next Student Council President.”

O_O

“po? I mean, maam sigurado po kayo?”

Bigla-bigla naman to. Tsaka ayoko sa mabibigat na mga responsibilities kahit pa ang tataas ng grades ko sa academic at extras, ayoko parin sa hassle na mga trabaho.

“of course Mr. Ramirez. Im certain that you are suitable for such position because you excel in many ways.”

Ayy naku~

“thank you po sa tiwala maam. “

“so, will you accept it?”

“I humbly accept. Pero sino po ba ang kalaban ko?”

“I think yung pambato ng president ngayon.. pero I’m not sure yet. Anyway, this Friday na ang elections, pinaaga ng faculty para mas maraming magawang projects ang magiging president at mas maagang ma-implement. So, you need to prepare and by the way, imi-meet mo ang mga party members mo mamaya after class.”

What the?? Ang bilis naman. Tsk. Friday agad =_=

“okay maam.” Yan lang ang sabi ko. obedient tayo eh

“okay that would be all Mr.Ramirez you may go”

Tas lumabas na ako ng opisina nya. Aish naman. Sana hindi si Kc ang kalaban ko.

Hmmm, okay lang din pala kung sya :)

Tsk. Bakit ba kasi third year college ang kailangang gawing president? Porket busy na ang 4th and 5th year sa amin agad ipapasa? Para namang hindi rin kami busy =_=

Pumasok na ako sa room. Hindi ako late kasi kinausap ni Mrs. Ignacio ang subject teacher namin.

At hindi na naman kami blockmate ni KC this year. Mabuti nalang din.

Haayst. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko dito sa nararamdaman ko. kahit sinabi kong mahal ko sya nung birthday ko, dinugtungan ko naman ng ‘bestfriend’. Tsk, nalito kasi ako eh.

Pero umiral nga yata ang nakatagong kabobohan ko nung time nayun kasi sana hindi ko nalang dinugtungan, edi sana nalaman ko kung anong reaksyon nya. At kung hindi nya tanggap yung sinabi ko, saka ko nlang sana dinugtungan.

Agh. Hindi ako maka-concentrate sa pakikinig ng lecture -_-

“okay Mr. Ramirez, what’s the answer?”

Huh? Ahh may equation pala sa board.

Mental thinking****

“ one-half” sagot ko.

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon