CHAPTER 14 ---- I'M HERE

250 15 4
                                    

KC’S POV~

Kapagod ngayong araw. May p.e kasi akong subject basta Tuesdays.tapos dadagdag pa tong project sa drafting namin..ang hirap pa nman kahit mahilig akong magdrawing nahihirapan parin ako nuh…sa wakas nakarating narin sa bahay..

“Kc buti naman dumating kana..” sabi ni jane pagkabukas nya ng pinto.

“hi K..”

“hala.. ba’t ka naman napadpad ditto?” tanong ko sa lalaking nakaupo dun sa sofa

“boring sa bahay.. at naisipan kong sabay nalang tayong gumawa ng project…”

“haayy nako bes kanina pa yang Angelong yan dito.. naubos na nga yung cupcakes mo eh..”sabi ni jane sabay taas nung cupcake box na wala ng laman.

“Louie naman alam mo namang paborito ko yun eh.. inubos mo pa talaga..” kainis tinipidtipid ko pa namang kainin yun.. pero may magagawa pa ba alangan naman iluwa pa nya.. –3--

“paborito ko rin eh..edi bumili ka ulit..”

“ewan ko sayo..dyan ka na nga magbibihis muna ako tsaka simulan na agad natin yung project ng matapos..” tapos umakyat na ako sa kwarto.

“ayy teka Kc.. a-ah ano gagamitin ko kasi yung lamesa ditto sa sala may project din kasi ako eh tas wala namang table dun sa kwarto ko kaya..magparaya ka na lang please..” at ngpuppy-eyes pa talaga..

“oh.. sige na nga..”

“teka.. san nman tayo? Well, hindi nman natin masyadong kailangan ang mesa kasi sketch book ang gagamitin natin pero kailangan natin ng well-lighted area for sketching.” Tanong ni Louie.Oo nga pala.. hindi naman pwde sa dining area kasi ang pangit ng ilaw doon. Sa labas hindi rin.. aahmm..

“sa kwarto mo KC.” --jane

“HINDI!” ayy teka napasigaw yata ako.. eh kasi nman hello hindi ako nagpapapasok ng lalaki sa room ko pero.. ang oa mo girl bestfriend mo naman yan wala kabang trust.. ahhh tekaa..”I mean.. hindi pwede kasi a-ano magulo kwarto ko at tsaka..a-an-ano..” isip K..isip..

“ang arte mo nman bes.. im sure okay lang yan kay Angelo para nmang hindi kayo magbestfriends..oh baka naman takot ka?” at talagang idiniin pa ang salitang takot.. nyemes.. ayaw ko talaga eh..

“h-hindi ah. .ano lang talaga ah..” bobo na ba ako? Ba’t ba walang maisip..

“hoy! Wag ka na ngang mag-aksaya ng oras dyan.. wala nmang ibang lugar eh.. kaya wag ka ng magdahilan.. magulo din nman kwarto ko..tsaka para ka nmang di sanay sakin..magbihis ka na nga ng makapagsimula na tayo..” tss. No choice.. mayamaya..

“oh tapos na ako..”

“hay antagal.. tara na nga.” At nauna pa syang pumasok sa kwarto ko..

-------------

Nagsimula na kaming magsketch.. pumwesto ako sa kama ko syempre ako may-ari.. siya naman dun sa chair malapit sa bintana ng kwarto ko..ang tahimik talaga..

naalala ko tuloy yung first meeting nmin na wala ni isa sa amin ang naunang magsalita..tiningnan ko lang sya saglit siguro mga 2 minutes akong nakatitig sa kanya..

oo saglit lang yun talaga..two minutes LANG.. ewan ko ba.. tas bumalik na ako sa pagsketch.. hindi pa ako nangalahati ditto sa drawing ko anuvayan --__-- pagud na ako..

palagi lang akong pabago-bago ng concept ng design ng living room..

living room pa nga lang paano pa kaya kung buong bahay na.. maryusep.. abutan ako ng walong dekada.. capital OA. Pff..

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon