CHAPTER 45 - BATI NA TAYO OH...

90 4 0
                                    

KC’S POV~

Pupunta ba ako?

Hindi .

Kunyari may klase ako.

Pero baka maghintay yun dun? Tsaka bakit ba hindi nalang mawala tong tampo ko?

Aish. Pupunta na nga lang.

Nasa may hagdanan na ako papuntang rooftop ng Architecture building.

I took one step up. Tas bumaba ulit.

Nag-step na naman.

Aish. Eto na.

Tas umakyat na ako ng hagdan. Halfway na ako at makakarating na sana sa door ng rooftop nang bigla itong magbukas at lumabas ang isang lalaki.

Nagkatinginan lang kami.

Nauna akong umiwas.

“kanina ka pa?” medyo nakonsensya kasi ako eh. Kasi nung makita ko mukha nya parang .. di ko maexplain.

“a-ah medyo. Ahm..a-ano..”

“akala ko ba sa rooftop mo ko pinapapunta? Hagdan pa kaya to” medyo nagtaray ako. Ewan ko ba.

Nakita kong ngumiti sya..

“tss. Ang tagal mo kasi kala ko tuloy hindi ka na pupunta kaya pababa na sana  ako.. buti nalang..”

Umakyat na ako, kunyari hindi ako nakinig sa mga pinagsasabi nya.

Woah. Ang sarap ng hangin dito sa rooftop. Ang sarap matulog lalo na vacant ko ngayon.

Napalingon naman ako sa paligid baka kasi nandito na naman si Xenon. Hilig nya kasi dito sa rooftop ng Architecture building kasi mas tahimik compare dun sa Chem.Eng rooftop.

Buti naman at wala sya ngayon.

“ahm. Gusto ko sanang mag-sorry tungkol kahapon. Eh kasi nakalimutan ko talaga na --I mean, hindi ko sinasadyang iwan ka nalang dun. Alam mo naman ang nangyari”

“wala lang naman yun. Naintindihan ko naman” nakatalikod lang ako sa kanya, nagkukunwaring nakatingin sa field na tanaw na tanaw mula dito sa kintatayuan ko.

Kahit parang tinusok yung damdamin ko dun sa salitang “nakalimutan”

“ganun ba? Mabuti naman.. pero bakit hindi mo sinagot yung tawag ko kagabi?”

“a-ahh nakatulog na ako.”

“7pm tulog kana nun?”

“oo bakit masama bang matulog ng maaga?” ang dami nyang tanong. Bakit di nalang makontento sa sinabi kong okay lang yun at naiintindihan ko?

“hindi naman. Pero kasi tumawag ako kay Jane at sabi nya gising ka pa.”

Boom! Buking.

“a-ah.. hindi tulog na ako nun. Baka akala nya lang na gising pa ako. Nasa kwarto lang kasi ako kagabi tsaka hindi naman nya ako pinuntahan dun. Guess lang nya yun.”

“ganun? Eh bakit narinig ko yung boses mo nung nag-uusap pa kami sa phone?”

Im pissed.

“okay fine! Nagtatampo na ako sayo kagabi pa! okay na?!” sabi ko pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya.

At tumulo na naman ang luha ko.

Agad ko namang pinunasan habang sya? Tumitig lang sa akin at nakangiti pa.

Bwisit nato.

“bwisit naman oh!”

Tas lumakad na ako patungo sa pinto habang pinapahid parin yun luha ko.

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon