CHAPTER 33 -- THE + GUIDES = PAG-AMIN?

116 8 1
                                    

ANGELO’S POV~

Gabi na pero Andito ako ngayon sa baybaying-dagat. Nag-iisip kung ano mang dapat kong gawin.

It’s kinda hard. but I think I’ll try. Pero pano ba.. pano kung mabigla sya?

Phew =__=

Natigil ako sa pag-iisip ng may narinig akong paghikbi. Then may nakita akong babaeng nakaupo dun sa malaking bato.

Nakaharap sya sa dagat habang yakap yung tuhod nya at rinig ang paghikbi nya.

Nilapitan ko sya kasi parang ang bigat ng problema nya.

“ahh Miss? Alam kong hindi ka okay pero ---“

Lumingon sya. Mugto ang mata nya.

“ha? *hik.. Anong sabi mo?” sabi nya habang pinapahid ang mga luha.

Then narealize ko.. bakit ba ako lumapit sa kanya? Eh ako nga tong hindi marunong mag-comfort ng tao tas ako pa tong parang expert sa comforting kung makalapit. Tsk --___--

“ahh. Wala baka gusto mo ng mapaglabasan ng sama ng loob?”

“*sniff.. salamat ha. Pero okay lang ako.” Sabi nya habang nakatingin lang sa dagat tas tumulo na naman ang luha nya.

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa

“miss oh.” Inabot ko yung panyo

“salamat.” Natahimik sya saglit tas huminga ng malalim

“ako nga pala si Hail.” Inabot nya ang kamay nya kaya inabot ko rin

“Angelo.”

“ah Salamat sa pagdamay sa akin. Akala ko naman mag-isa na ako dito eh.”

“ahh marami rin kasing tao ngayon kaya malabong makapagsolo ng area dito.” Sabi ko nalang sa kanya.

“alam mo, mabuti pa ang mga alon ano? Pwede silang bumalik sa dalampasigan kahit anumang oras. Sana ganun rin ang buhay ng tao. *sniff..” at tumulo na naman ang luha nya.

“ahh. Ang drama mo yata?”

What did I say??

“tss. haha. Pasensya na. eh kasi ang hirap magsisi araw-araw eh. Nakakastress. Tss. Dapat kasi sinabi ko sa kanyang mahal ko rin sya.. bago paman sya mawala. *sniff..”

Parang tinamaan ako. Parang apektado ako sa mga sinabi nya. Ito yata ang binigay na guidance para sa akin.

“boyfriend mo?” tanong ko sa kanya. Tiningnan nya ako tas ngumiti.

“hindi nga eh. Pero sinabi nyang mahal nya ako bago paman sya nawalan ng malay. *sniff. .sasabihin ko na nga rin sana sa kanyang mahal ko rin sya eh.. pero *sniff.. huli na ako eh.. huli na..T__T”

Oh-owh.. hindi ko alam kung pano to i-comfort.

i Just patted her shoulder.

“so-sorry ah. Tsk. Kasi naman Rain bakit ka umalis agad ?! miss na kita eh. Miss ko na yung ulan. Miss na kita.” At tumulo ng tumulo ang luha nya kaya hinimas ko nalang yung likod nya.

Mayamaya kumalma na sya at biglang nagsalita

“alam mo Angelo, kung may natutunan man ako sa buhay yun yung wag nang patagalin ang mga bagay na pwedeng sabihin o gawin ngayon.. kasi..kasi ang iksi ng buhay at wala kanang magagawa pa kung mawala na to”

Natahimik ako.

Ito na nga yun. Ito na yung guidance.

“thanks Hail.”

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon