CHAPTER 48 --- TOO LATE, AREN'T YOU?

82 4 0
                                    

ANGELO’S POV~

“ano nga kasing pinagpuputok ng butchi mo jan ha Angelo? Kainis to oh”

Kanina pang tanong ni Lyle sa akin kasi nga nakita daw nya ako kahapon pero hindi man lang daw ako namansin at nilagpasan lang sya

“kanina ka pa ha. Hindi mo sinasagot mga tanong ko tas ayan tulala ka? My spare key ako dun sa isang kwarto sa mental baka gusto mo?”

Ang ingay naman nito ! wala pa nga ako sa mood dumadagdag pa ! >,<

“tahimik Lyle pwede?! Di ka nakakatulong eh.”

“eh pano nga kita tutulungan kung hindi mo sinasabi yang problema mo ha? Isip nam—-“

“okay !. I kissed Alexandra. Satisfied?!”

Kumurapkurap lang si Lyle. Siguro hindi pa nagsink in sa utak nya ang sinabi ko.

“t-teka.. ANO?! HINALIKAN MO SYA?! AT BAKIT ---ASKFAHVA” tinakpan ko bibig nya kasi ang ingay. Baka ano pang kaabnuan ang sabihin nito.

Tumahimik naman si Lyle pero yung tingin nya hindi nakatuon sa akin kundi dun sa tao sa likod ko.

Paglingon ko..

O_O

“K-Kc?”

“h-hi L-louie” tas ngumiti sya.. isang awkward na ngiti..

Narinig nya. I know. Sa expression pa lang ng mukha nya.. alam kong narinig nya ang sinabi ko kay Lyle.

---

KC’S POV~

“a-ahh.. K-kc yung narinig mo .. a-ah ano.. ahm..” nauutal na sabi ni Louie.

Naintindihan kong gusto nyang mag-explain pero parang anytime tutulo nayung luha ko kapag nagtagal pa ako dito sa harapan nya eh..

Ang sakit nung narinig ko.

Kadarating ko lang sa kinaroroonan nila tas yun ang una kong maririnig.

Napuyat pa naman ako kagabi sa kakaisip kong aamin na ba ako sa totoo kong nararamdaman para sa kanya..

But I guess, im too late. Mukhang nagkamabutihan na sila ni Alex.

“a-ah Louie alis muna ako ah. Cr lang. balik ako agad.” Hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad na tumakbo palayo.

Binuhos ko ang iyak ko sa cubicle. Para walang maka-notice.

Yun ang akala ko.

*toktok.

May kumatok sa pinto ng cubicle.

“hoy Kc. Is that you? I saw you running away from Louie. Narinig ko ang usapan nyo. Tsk. how pathetic. akalain mo nga naman ang mga manhid eh pinagtagpo pa talaga ng tadhana.”

Alam kong si Alex ang nagsasalita. Kilala ko na ang boses nya. Pero ano bang pinagsasabi nya?

“you know what? you should’ve listened to his explaination before you run away. Oh well, dahil mabait ako ngayon, ako nalang ang magsasabi sayo.”

Narinig kong nagbuntong hininga muna sya.

“tama ang narinig mo kanina. He kissed me. Pero hindi dahil interesado sya sa akin o kaya’y gusto nya ako. Kundi dahil, nung time na magkasama kami, yung nakita nya ako, sabi nya ‘for a second, I thought you were her’.. akala nya ako yung babaeng mahal nya. Akala nya ako yung babaeng iniyakan nya dun sa rooftop..”

Iniyakan? So may girlfriend na si Louie? </3

“haha..ang sakit ng situation ko right? well, I cant blame him. Ang ganda ko lang talaga.. pero he dumped this pretty face. For the first time, I was dumped by a guy. Wala eh, may iba syang mahal. Ano pa bang magagawa ko? tama nga talaga si August, ican’t do anything anymore. Haay, Sana nga lang hindi MANHID ang babaeng pinili nya”

Matapos nyang sabihin yun, parang narinig ko syang nag-sniff then narinig ko nalang ang footsteps nya palabas ng Cr.

Lumabas narin ako ng cubicle at humarap sa salamin.

“Am I that late?” nasabi ko nalang sa sarili ko.

----

ANGELO’S POV~

Umalis si Kc ng hindi man lang ako nakapag-explain. Naghintay ako sa lounge kung saan kami nagkita kanina nung nag-uusap kami ni Lyle.

Sabi nya kasi mag-c-cr lang sya kaya mabilis lang yun.

Sumaglit muna ako sa locker ko para ilagay yung libro ko. at may nakita na naman akong envelope.

And this time ang nakasulat sa envelope ay, “what can you say? Too late, aren’t you? ”

Kaya binuksan ko na agad yung envelope at tama nga ako ng hinala.

MGA picture na naman.

Picture ni Gus at Kc.

Nagho-holding hands sa theme park. Nakasakay sa Ferris wheel. Umiinom ng carrot shake. And the worst picture I wish that I should’ve not seen is..

Gus kissing Kc’s forehead.

Forehead lang. no big deal yun para sa iba. Pero para sa akin? Hindi ko na kaya.

Ano mang kalalabasan ng gagawin ko ngayon, saka ko na aalahanin yun..

I need to find her ‘coz I can’t take it anymore.

------

Author's note:

thank you for reading guys <3

i think there's only one chapter left then epilogue na and then tapos na hihi^^ please continue supporting guys <3 lovelots :*

~KCM

Pinky SWEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon