An open book 2

2 1 0
                                    

An open book para sa mga taong nagmahal at nasasaktan hanggang sa mga oras na ito. I just realized na hindi titigil ang mundo kapag nasaktan tayo, nagmahal tayo ng taong alam nating kailanman ay hindi mapupunta saatin at 'yon ang kasaklapan ng mundo. 'Yong mahal ka mahal mo pero hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon para ibigin ang isa't-isa.

Mayroon din naman mahal ka nga ngunit ang masaklap ay hindi mo magawang mahalin dahil sa nasasaktan ka sayong mga nakaraang hindi mo kayang kalimutan.

Ang pagmamahal kasi ay parang libro 'yan na sinusulat hindi mo alam kung kailan nagsimula at hindi mo rin matatansya kung kailan ba dapat matapos, at parang libro din na kung hindi mo bubuksan ay hindi mo malalaman ang sagot sa mga tanong na "Bakit niya kaya nagawa yon?" "Minahal niya ba talaga ako?".

Mga tanong sa isipan ng bawat babae o lalaking nasasaktan na patuloy tumatakbo sakanilang mga isipan hindi maawat ang libo-libong tanong 'minahal niya ba talaga ako' 'bakit niya kaya nagawa yun' 'may kulang ba saken' dahil sa kabila ng mga tanong na iyon ay walang kulang sayo, walang kulang saating lahat ang pinaka magandang tanong ay 'naging sapat ka ba' sapat para hindi maranasan ang mga nararanasan mo ngayon, dahil kahit kailan hindi ka magiging sapat sa taong hindi nakatandhanang punan ang lahat ng pagmamahal na kaya mo ibigay.

Dahil ang pagmamahal walang hinihinging kapalit na dapat ba kapag nagmahal ka ineexpect mo ay mamahalin ka rin pabalik hindi kasi ganun ang pagmamahal,ang tunay na nagmamahal ay simpleng mahal mo lang mahalin ka man o hindi basta ang alam mo mahal mo yong tao bumalik man yon ay swerte pero kung hindi naman ay dapat mong tanggapin ng maluwag sayo na ang pagmamahal ay unconditionally walang kapalit.

Minsan sa buhay natin kailangan nating tanggapin ang realidad ng buhay na hindi lahat ng minamahal natin ay kayang mahalin tayo pabalik, may mga instances sa buhay natin kailangan rin natin magpalaya lalo na kung 'yong tao na 'yon ang syang nahihirapan, baka kasi naghihintayan lang kayo kung sino ba ang bibitaw.

Minsan sa buhay natin may darating na tao na magpapakita ng tunay at buong pagmamahal, pagmamahal na hindi humihingi ng kapalit walang tapon walang sayang at kaya siguro tayo iniiwan dahil may darating na isang tao na magpaparamdam saatin ng tunay at buong pagmamahal na hindi kayang punan ng taong minamahal natin.

Sa buhay we have choices and options hindi dahil kailangan natin gawin yun kundi dahil yon ang mas nararapat na gawin. Masasaktan tayo, madadapa sa mga pagkakamali pero in the end matututo tayo bumangon hindi para sa mga taong nagmamahal o minamahal natin kundi para sa sarili natin mismo.

The only unconditional love that we have is to embrace and love ourselves.

Poetry ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon